Posts

Showing posts from July 26, 2009

Labis = Lapis

Image
"Two hundred silver coins would not buy enough bread for each of them to have a piece." Jn. 6:7 Hello mga kablogs! alas-4 ng madaling araw nang bumangon ako kanina. Sobrang excited akong maipost ang blog na ito... Simulan na natin. Maraming salamat nga pala sa lahat ng nagdasal para sa akin. God answered our prayers. Salamat ulit. Si Carla OK na rin daw sa trabaho niya. Nakakatuwa ngang kumilos si God sa buhay niya e. Matagal na ring nasa abroad si Carla at dikit din kay Lord. Kung pananampalataya ang pag-uusapan talagang matibay ang pananampalataya niya at lalo pang na-test ng sitwasyong ito. Sabi niya alam talaga ni Lord ang bawat istorya ng buhay natin. He knows everything. Kailangan lang daw isurrender ang lahat sa Panginoon at kapag sinurrender mo na just believe - let go and let God. Napatunayan ko ring malaki ang naitulong ng sama-samang panalangin sa lahat ng answered prayers ko. Halos lahat ng mga kaibigan ko ay talagang nagdasal kaya nga sabi ni Nanay nakulitan na s