Posts

Showing posts from August 23, 2009

Don't judge if you're not a judge

"Can anything good come from Nazareth?" Jn. 1:46 Magandang gabi sa aking mga masusugid na tagabasa ng blog (nag-aassume ulit ako). Hehehe. Maaaring totoo, maaaring hindi. Mayroon akong isang kaibigan na nagkuwento sa akin ng experience nya. Ipi-feel ko na parang ako sya para mas galing sa puso ang blog. Anyway, galing sya sa probinsya at napunta sa Maynila para magtrabaho. The story goes something like this... Lumaki ako sa probinsya, kapiling ang pamilya ko at mga kaibigan. Pagkagraduate ko sa college at ilang taong experience nabigyan ako ng chance na makapagtrabaho sa Laguna with matching malaking sahod. Nanibago ako sa simula dahil namiss ko ang aking mga mahal sa buhay. Nagpapasalamat naman ako dahil mababait ang mga tao sa Laguna kaya hindi masyadong nakakatakot kahit gabi na. Nang dahil sa pagbagsak ng economy, isinara ang company namin sa Laguna pero naabsorb naman ako sa Maynila. Maraming gustong makapunta sa Maynila. Hindi ko alam kung isa ako sa mga taong iyon pero

Samahan Mo Ako…

"Master, to whom shall we go? You have the words of eternal life." – John 6:68 Isang mapagpalang linggo mga kablogs! Salamat nang marami kay God dahil tayong lahat ay palagi Nyang ginagabayan at pinagpapala saan man tayo naroon. Salamat nang marami sa Kanya dahil tayo'y inilalayo Nya sa anumang kapahamakan.Salamat nang marami sa Kanya dahil tayo ay palagi Nyang sinasamahan. Noong isang araw, nagpasama sa akin ang kaibigan ko sa bahay para pumunta sa mga kabarrio nyang mga kaibigan. Ang purpose ko kung bakit ako pumayag ay para syempre masamahan sya dahil medyo alam ko kung paano makapunta sa lugar na gusto nyang puntahan na hindi nya alam at kahit hindi ko naman alam kung saan banda. Pumayag ako dahil gusto ko na mayroon syang KASAMA. Maayos naman yung napuntahan namin, pinakain pa kami ng masarap na sopas na miss na miss ko nang kainin. Pumunta pa ulit kami doon sa isa pa nyang kabarrio na kasambahay ng isang napakalaki at napakagandang bahay ng among ibang lahi. Nakakat