Posts

Showing posts from June 19, 2011

SPELL TIRED AND BLESSED

Hello mga kablogs! Sobrang pagod na pagod ako. Pa'no ba naman hindi ako nakatulog kagabi. Ay hindi pala ako natulog. Nagtake ako ng exam kahapon. Joke joke lang iyon kasi nga hindi naman ako prepared. Tinake ko lang kasi sayang naman dahil hindi ko rin marerefund iyong binayad ko. Better to take it para magkaidea kapag nagtake ako ng totoo. Ewan ko ba at iba na talaga ang effect sa akin ng exam ngayon. Kahit hindi ko na sineryoso, sineryoso naman ako at hanggang madaling araw iniisip ko pa rin. Ayay! Isa lang naman ang dahilan ko why I want to pass that exam - gusto kong maging stable ang trabaho ko para makatulong sa mga nangangailangan. Naks ha. Pero, totoo 'yan. Akala ng maraming tao ang dami-dami kong pera. Na isang hiling lang nila may paghuhugutan ako. Ayk. Kung alam niyo lang marami rin akong utang. Kahit saktuhan lang ang pera ko hindi talaga mawala sa akin iyong pagbahagi ng blessings sa iba lalo na sa mga hindi ko kapamilya/kamag-anak. Kaya nga nabuo ang SHARE A SECRE