Posts

Showing posts from September 4, 2011

9/11/11

Image
"In fact, none of us lives for himself, nor dies for himself. If we live, we live for the Lord, and if we die, we die for the Lord. Either in life or death, we belong to the Lord." Romans 14:7-8 It's blog time. Gustong-gusto ko ang weekends pero ayaw na ayaw kong naglalaba kaya hirap na hirap akong simulan ang weekend ko. Naglaba ako kahapon tapos hindi pa natuyo kaya isinampay ko ulit kaninang umaga. Hindi ko napansing umulan sa labas kaya noong kukunin ko na iyong sinampay ko, inis na inis akong dinampot sa semento ang pinaghirapan kong labahan... We don't know what will happen tomorrow kaya nga sinasabing seize the day. Gaano man nating pinaghihirapang pagandahin ang mga pangalan natin, maging mayaman, maging makapangyarihan, maging matalino hindi natin alam kung kailan tayong muling babalik sa abo, muling babalik sa Kanya. Kamakailan, sunod-sunod ang mga nangyari sa aking paligid, sa aking pamilya. Nagcelebrate ng 1st birthday si Yscien na sinundan ng 7th