Posts

Showing posts from May 16, 2010

4S Launching

Simula pa lang iyang napanood ninyo. Bago tayo magpatuloy, kailangang ma-acknowledge ko muna ang lahat ng mga naglaan ng oras para lang makapunta rito – ang mga taong naging part na ng aking buhay simula noon hanggang ngayon. Unang una na ay ang Parish Youth Ministry na halos pagbuhusan ko ng aking time noong hindi pa ako nagtatrabaho sa ibang bansa. Sumunod dyan ay ang aking mga kamag-anak at mga kapit-bahay na itinuring ko ng aking pangalawang pamilya. Syempre, narito rin ngayong gabi ang mga kaklase ko sa elementary at HS. Papahuli ba naman ang mga nakasama ko sa trabaho (Nalate ang mga Megapips). Narito rin ang mga naging teachers ko sa paaralang ito. Higit sa lahat ay kapiling din natin ngayon ang aking pamilya na palaging nakasuporta sa aking mga plano. Sa iba pang mga kaibigan, sa inyong lahat ISANG MAGANDANG GABI. Tunay pong napakahalaga sa akin ng gabing ito. Sino ba namang mag-aakala na ang isang mahiyaing Shiela ay nasa harapan ninyo ngayon, may hawak-hawak na microphon