Posts

Showing posts from January 17, 2010

STARS

Image
"The Spirit of the Lord is upon me. He has anointed me to bring good news to the poor, to proclaim liberty to captives and new sight to the blind; to free the oppressed and announce the Lord's year of mercy." Lk. 4:18-19 '"Today these prophetic words come true even as you listen." Lk. 4:21 Hello mga kablog! 10:24pm Saturday Cinci time. I was contemplating kung gagawin ko ba iyong project ko, matutulog na ba o magbablog. Nanalo ang pagbablog kaya heto na kahit kumikirot na ang aking ulo. Paawa effect yan. Napansin niyo ba iyong mga posts ko sa FB? Pinanood ko kasi iyong movie entitled Knight's Tale at talagang nainspire akong lalo sa kuwento. Ang tindi kasi ng paniniwala nong bida na mababago niya ang kanyang kapalaran. Pinag-igihan niyang mabuti para matupad ang pangarap niya at pangarap din ng tatay niya for him. Touched nga ako sa isang scene kasi sabi nya "I'm afraid" tapos sabi nong Tatay "Just follow your feet." Sino nga ba

Bola ng Kapalaran

Image
They have no wine... "Do whatever he tells you Jn. 2:3-5 Hello mga kablog! Mahirap talagang bumalik sa mga nakasanayan na kapag itinigil pansamantala. Kahapon ko lang naaalala na dapat magblog pala ako. Kaya heto na ulit ako. Sana ay maenjoy niyo ang blog this week. Ang binasa sa mass ay Jn. 2:1-11 pero sa Pinas yata iba ang pagbasa kasi ipinagdiriwang ang Feast ni Sto. Nino. Sana magblog iyong sinabihan ko para may input din tungkol sa pagbasa na yan. "Sana marami na lang akong pera. Sana mataas ang sahod ko. Sana lahat ng mga pangangailangan ko, madali kong makukuha." Ayan ang mga kataga ng kaibigan ko. Nahaharap kasi sya sa maraming gastusin. Gusto niyang magbakasyon kasama ang kapatid nya, gusto niyang paligayahin ang Nanay at kapatid niya by giving them a gift of SG trip, gusto niyang tumulong sa mga kamag-anak at mga kaibigan, gusto niyang mafulfill ang pangarap niyang magandang bahay para sa kanilang pamilya at maraming-marami pang pangarap. Pinilit niyang magpu