Posts

Showing posts from September 11, 2011

Again and Again

"So will it be: the last will be the first, the first will be the last." Mt. 20:16 Hello mga kablogs! Sobrang kakaibang mga araw na naman ang nagdaan. Unting-unti na lang talagang bibigay na ako pero salamat sa mga taong dumarating para mabigyan ulit ako ng buhay/pag-asa. Ilang gabi akong puyat na puyat at ang mahirap pa sa akin kapag lumagpas ng alas-12 at hindi pa ako natutulog, madaling araw na akong makakatulog at sobrang aga ko ring magigising. Ang hirap pang matulog nang maayos kasi ang dami-daming pumapasok sa isip ko. Ayay! Nakakatuwa lang si God kasi palagi akong bibigyan ng hint kung anong nangyayari sa paligid ko at maaaring mangyari. Kung naaalala niyo ang SUSI tragedy na naging dahilan nang nakitulog ako sa kapitbahay, muntik na namang mangyari kanina at may mas malala pa na hindi ako nadala-dala at palagi ko pa ring ginagawa. Sa sobrang dami ng dapat kong gawin at pagkatapos kong bumili ng mga pagkain (maraming buhat-buhat) isinarado ko na naman ang pinto