Posts

Showing posts from November 21, 2010

YOU Broke My Heart but YOU Increased My Faith

Image
So be alert, for the Son of Man will come at the hour you least expect. Mt. 24:44 November 24(25) ang araw na ngarag. Maulan at madilim ang paligid na animo'y nagluluksa ang langit sa aking pag-alis. (Feeling ko lang...) Sobrang hectic ng flight schedule ko at narealize ko lang late na. Sobrang inis na inis ako sa mga negative na salita kunwari "I hope you don't miss your flight." Para sa akin dapat ay "you will catch your flight." Well, I'm so optimistic kaya binalewala ko pero may halong kaba pa rin kaya ngahanda naman akong mabuti. Sobrang aga kong nakarating sa airport though late pa nga sa naunang plano. I've been waiting for hours sa gate 3 tapos malapit ng ang departure pero hindi pa rin nagbo-board hanggang sa naririnig ko na ang pangalan ko at tinatawag na ako at pinapapunta sa gate 1. Hay naku. Iyong pinaka-inalaala kong flight na baka mamiss ko, ang aga ko pang nakarating. Salamat sa Diyos isang eroplano na lang tapos na ang kalbaryo sa mi

KONEKtikat

Image
Save...us.... "Truly, you will be with me today in paradise." Lk. 23 Blog pa rin syempre kahit maraming dapat gawin. This week, may napatotohanan akong muli. Though hindi talaga ako nakatulong sa isa at iyong isa naman ay hindi pa solved, natuwa lang ako kasi napatunayan ko iyong sinasabi ng Law of Attraction na kapag may gusto kang mangyari o may gusto kang makuhang bagay, isipin mo lang, samahan mo ng gawa at tiyak makukuha mo, syempre kung mabuti ang maidudulot sa iyo. Naniniwala rin ako na ang lahat ng bagay at tao ay connected sa isa't-isa. May drivers, may passengers. May teachers, may students. May employers, may employees. At marami pang iba. Try to imagine na lahat ay drivers/teachers/employers. Good luck sa mundo. May kabataang nagmessage sa akin at nagpapatulong humanap ng company na puwede nyang pag-OJThan. Ang nireply ko lang, "oks, gagawin ko best ko." Sobrang tempted na akong magpost sa FB wall ko para makita ng mga friends ko kaya lang sabi ko s