Posts

Showing posts from April 4, 2010

Triduum - SILP vs Cinci

Set your mind on the things that are above, not on earthly things. Co. 3:2 Hello everyone! Kamusta naman ang lent at easter niyo? Ako, heto hinahatak na ng aking higaan dahil antok na antok na. Sana may mapulot pa rin tayo sa blog na ito. Sisimulan ko ang aking blog sa pamamagitan ng pagkukuwento ng aking usual lent at easter sa Pilipinas. Kagaya ng palagi kong sinasabi, busy kami sa pagpapractice ng plays at sa mga gawaing simbahan. Though hindi ako isa sa mga gumaganap, umaattend pa rin ako para maipakita ang aking support. Huwebes. Ang unang araw ng Triduum at sa Pinas holiday na kaya nakakadalo ako sa washing of the feet. Ito iyong simbolo na dapat tayong magsilbi sa ating kapuwa. Kasi si Jesus nga na anak ng Diyos ay nagawang magpakumbaba sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga paa ng mga disciples. Pagkatapos niyan, ipuprusisyon namin ang "katawan ni Kristo" papunta sa simbahan. Biyernes. Alas-tres y media pa lang ng madaling araw, gising na kami kasi mag-start ang Station