Posts

Showing posts from February 5, 2012

I'm too Blessed to be Stressed P2

"However, as soon as the man went out, he began spreading the news everywhere..." Mk. 1:45 Hello mga kablogs! Hindi pala ako nakapagblog last week. Sobra kasi talagang busy nitong mga nagdaang araw. Contradicting pa lahat ng mga nababsa ko kaya ang hirap dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para bigyan kayo ng ideya kung anong mga pinagdaanan ko, magkukuwento na lang ako simula nong September 2011. Dapat sana ay nasa Pilipinas na ako noong October pa lang. Kaya naman sinabihan ako ng employer kong iterminate ang lease ko. Dati akong nakatira sa isang maliit na studio room. Maliit na nga, hindi pa ako marunong maglinis kaya ayon palaging magulo. Nanay ko lang nakapag-ayos ng kuwartong iyon nong nagbakasyon sya rito. Dahil nga pabalik na ako sa Pilipinas, dali-dali kong ipinabox ang mga gamit ko papuntang Pilipinas. Last week of September nang sinabi ng employer kong hindi pa kami matutuloy sa October. At, kahit anong magic ang gawin ko hindi ko na maibabalik a