Posts

Showing posts from May 27, 2012

I'm Too Blessed To Be Stressed - Part 3

Image
10:52am na ngayon.  Malinaw na malinaw sa akin ang mga gagawin ko this weekend.  Maglalaba, magtatanggal ng dumi sa kisame, maglilinis at HINDI magbablog... Kababalik ko lang sa HK this Monday. Hindi ganito ang inexpect kong mangyayari sa akin. Parang ang laki ng pinagbago ko.  Nawala iyong dating Shel...  Ano nga bang nangyari sa akin? Haaay. Hanggang sa nabasa ko na lang ulit ang blog kong I'm Too Blessed Part 2.  Ganoon pala iyong naramdaman ko dati at akala ko natuto na ako pero hindi pa pala. Kaya pala, paulit-ulit na naman akong sinusubok.  Grabe nga pala talaga ang naidudulot ng stress.   Kahit iyong pagiging natural na mabait ng isang tao, nababalutan ng inis. I found out late last night na naaksidente pala ang Nanay at Kuya ko.  I phoned them at imbes na maawa, pinagalitan ko pa. :-(  Deep inside I wanted to  let them feel na nag-aalala ako pero dahil nababalot ng inis ang puso ko ng mga ibang bagay, imbes na kabutihan ang lumabas sa bibig ko, galit pa.  Buti na lang