Posts

Showing posts from June 13, 2010

Next In Line

"Your faith has saved you; go in peace." Lk. 7:50 Hello mga kablogs! 4:21am. Kadarating ko lang galing sa isang kasiyahan. Ako iyong tipo ng taong medyo seryoso at bihirang-bihira mong makikita sa mga kasiyahan. Sige na nga, sabihin na nating KJ. hehehe. Pero alam ko kung kailan din dapat hindi paganahin ang "KJ." Halimbawa, takot ako sa space shuttle pero sinubukan ko kahit natatakot ako dahil sabi ko minsan lang mangyari iyon sa aking buhay at minsan lang akong mabubuhay... Lately, maraming mga pumapanaw na malapit sa akin at hindi man malapit sa akin, kakilala ko. Iyong dalawang malapit sa akin ay sina Tatay Asiong at Tatay Totoy. May mga sakit sila pareho at mga alagain kaya somehow parang napabuti na rin na natapos na ang paghihirap nila sa mundo. Natapos na rin ang paghihirap ng mga nag-aalaga sa kanila. Kahit parang alam mo na na doon papunta, nakaramdam pa rin ako ng lungkot at naiyak pa nga ako lalo na noong mabasa ko iyong mga shoutouts ng mga