Posts

Showing posts from March 7, 2010

Untitled. Sleepy

Leave it one more year... if it doesn't, you can cut it down. Luke 13 Hello mga kablogs! Medyo nalate ang blog ko ngayon. Dahil late night na rin dito, iiksian ko lang para makatulog ako bago mag-12. Paghahaluin ko ang blog ngayon sa pagbasang The Prodigal Son at itong pagbasa ngayon about sa figs on the tree. Naramdaman mo na ba kahit minsan iyong parang may kinikilingan ka? Ayan iyong homily ni Fr. sa misa noong isang araw. Mayroon daw nanay na may labing-apat na anak tapos tinanong siya ng isang kabataan kung may favorite raw sya sa mga anak nya. Ang sagot daw ng nanay ay OO. Mas minamahal daw niya iyong mas nangangailangan ng pagmamahal. Naalaala ko tuloy iyong commercial dati (can't recall iyong product). Top 1 iyong panganay sa klase tapos nakapasa naman iyong bunso. Mas narecognize pa ng mga magulang iyong nakapasa kaysa sa Top 1. Bakit nagkaganun? Dahil ang panganay ay likas na palang matalino at iyong bunso naman ay special child. Sa buhay ng kaibigan ko nakaranas