Posts

Showing posts from May 23, 2010

Unang hirit makalipas ang unos

Image
Ang blog na ito ay dedicated sa lahat ng OFWs lalo na sa Kuya ko... Hello all! Kadarating ko lang galing sa 2 weeks na bakasyon. Maiksi man sulit naman. Bibigyan ko kayo ng background bago ako umalis dito. Bukod sa mag-isa lang ako sa bahay (ang lungkot non ha), hindi pa ako masaya sa trabaho ko. Mag-isa lang akong pinoy at sobrang pagod pa lagi ako sa trabaho. Idagdag pa na kakabagsak ko lang ulit sa isang exam na mag-aangat sana sa akin. Hindi ko nga nafeel na magbabakasyon ako dahil up to the last minute aligaga pa rin ako sa trabaho. Tapos, hayun na nga, nagbakasyon ako with my brother. Sobrang saya na makapiling ulit ang aming pamilya. Ang nanay kong miss na miss ko na, mga kapatid kong kainuman ko, mga pamangkin na makukulit atbp. Nagpunta rin kami sa mga kamag-anak namin. Nakihalubilo sa mga kaibigan at sa iba pang mahahalaga sa aking buhay. (Peace po sa mga hindi ko na napuntahan, sobrang gahol talaga ng schedule. 2 oras nga lang ako natutulog). Bawat segundo ay sobrang sulit