Posts

Showing posts from April 11, 2010

Connect!

"Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you." Jn. 21:21 Hello mga kablogs! Sabi ko mamayang gabi na lang ako magbablog kaya lang habang naghuhugas ako ng plato, nabubuo na sa isip ko iyong topic. Bago pa makalimutan, itype na agad! Kaunting background muna sa personality ko in terms of sociability... Ako iyong tipo ng tao na mahiyain. Hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga usapan. Kahit nga noong Elem, HS, at College palagi lang akong tahimik. Mabuti nga kahit hindi ako sociable, nakatapos pa rin ako nang maayos. Ayan ang tingin ko sa sarili ko! May mga kaibigan naman ako sa PYM (Hilds, KC, Bok, Memey at Emanot) na ang tingin naman sa akin ay para akong politiko. Masyado raw akong machika. Madalas kapag may pupuntahan kami (kunwari from our place to Area IV) marami iyong times na hihinto ako dahil may makikitang kakilala at syempre maghaHI at mapapakuwento. Minsan nga, naalaala kong sinasabi nila sa akin "Puwede ba Ate Shel, huwag ka ng mag-estasyon?&