Posts

Showing posts from October 17, 2010

ASK and BELIEVE

Image
"For whoever makes himself out to be great will be humbled and whoever humbles himself will be raised." Luke 18:14 Hello mga kablogs! Palagi naman akong naglalagay ng mahabang insight these days kaya feeling ko palagi akong nagbablog. Iyong sleeping habit ko hindi pa bumabalik sa ayos. Nagigising pa rin ako ng maaga kaya kung anu-anong kinakalikot ko. Hehe. Sobrang sarap talaga ng feeling kapag gigising ka sa umaga na wala kang dapat alalahanin kasi hindi mo na kailangang mag-aral ulit, good bye accounting books for few months. Ibablog daw ng isang kaibigan ang tungkol sa pag-aaral kaya hindi ko papalawakin 'to. Ang sa akin lang ay ang pagpapaalalang kaunting tiis lang kapag nakalagpas, lifetime na kaligayahan ang katapat. Kahit magdamag ka pang magFB. Ikukuwento ko ulit sa inyo ang buhay ng kaibigan ko. This time si Jana naman. Aariin ko ulit para mas madaling magsulat. Ito ang istorya niya. Mga readers, ramdam na ramdam ko kung gaano akong pinagpala, kung gaano akong ka