Posts

Instant blog...

Hello mga kablog. Medyo maaga tong blog ko para habang mainit pa maishare ko na agad. Si Carla ay nagshare sa akin na pangblog kaya heto simulan na natin. Naranasan mo na bang palabasin kang "tanga" ng katrabaho mo, kaibigan mo o ng ibang tao? Yan ang naranasan ni Carla. Baguhan lang si Carla sa department nila. Bilang bago syempre inaasahan na mangangapa pa sa lahat ng mga trabaho sa department na iyon. Natiyempo pa sya sa trainer na "shortcut" meaning kung anong maisipang ituro iyon ang ituturo tapos nag-eexpect na napick-up agad ni Carla ang itinuro nya. Sobrang pagsubok para sa kaibigan natin pero naging matatag sya lalo. Nakakatuwa naman kasi nararamdaman niya ang pakikiramay ng ibang katrabaho. Nagstay pa talaga sa office para lang masamahan sya at maalok ng tulong. Sasabihan ko kayo kapag nalagpasan nya na ang stage na 'to. 2 lessons ang gusto kong matutunan nating lahat dito. Una, palagi nating tandaan na walang sinuman ang puwedeng humusga sa...

Just do it! Join us!

Image
"What shall we do? What are the works that God wants us to do?" Jn. 6:28 "I am the bread of life,whoever comes to me shall never be hungry,and whoever believes in me shall never be thirsty." Jn. 6:35 Hello again mga masusugid kong tagabasa. Sana nga nagbabasa kayo. hehehe. Sunday na naman ng 5:30 kaya heto na naman ako at pilit pinipiga ang isip kong puyat na puyat para lang makapagbigay ng inspiration. Dumarating talaga sa point na parang ang hirap magcompose ng blog. Hmmm. Parang mali ha. Dumarating talaga sa point na parang ang hirap magcompose ng blog kapag sa sarili ko lang nanggagaling ang message. Nakalimutan kong kapag nagsimula na pala akong magtype Holy Spirit na ang gumagabay. Let's start. Medyo nasa mode pa ako ng 4s kaya imemention ko ulit dito ha para sa iba na ngayon lang makakabasa. Sinimulan kong i-inform last week ang aking mga kaibigan through FS at FB tungkol sa 4s project - Share a Secret Spread Success. Maraming salamat sa lahat ng nag-resp...

Labis = Lapis

Image
"Two hundred silver coins would not buy enough bread for each of them to have a piece." Jn. 6:7 Hello mga kablogs! alas-4 ng madaling araw nang bumangon ako kanina. Sobrang excited akong maipost ang blog na ito... Simulan na natin. Maraming salamat nga pala sa lahat ng nagdasal para sa akin. God answered our prayers. Salamat ulit. Si Carla OK na rin daw sa trabaho niya. Nakakatuwa ngang kumilos si God sa buhay niya e. Matagal na ring nasa abroad si Carla at dikit din kay Lord. Kung pananampalataya ang pag-uusapan talagang matibay ang pananampalataya niya at lalo pang na-test ng sitwasyong ito. Sabi niya alam talaga ni Lord ang bawat istorya ng buhay natin. He knows everything. Kailangan lang daw isurrender ang lahat sa Panginoon at kapag sinurrender mo na just believe - let go and let God. Napatunayan ko ring malaki ang naitulong ng sama-samang panalangin sa lahat ng answered prayers ko. Halos lahat ng mga kaibigan ko ay talagang nagdasal kaya nga sabi ni Nanay nakulitan na s...

Nasaan si Potpot?

Background: ininvite ako ng President naming magbigay ng speech for youth night. Parang may mapupulot na mabubuti kaya I opted to post na rin dito sa blog. hope you like it. Young Innocent Child… Nasaan si Potpot? Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako kay Tito at sa ibang PYM sa pagbibigay ng pagkakataon sa aking maging bahagi ng youth night na ito. Salamat. Nasaan si Potpot? Gusto kong palagi niyong iisipin ang sarili niyo at age 7 kapag binabanggit ko ang Potpot. Nasaan ka kaya Potpot sa mga oras na ito dati? Hindi ko alam kung anong oras babasahin ito pero sa tantsa ko ay gabi na. Kunwari alas-9 ng gabi. Siguro ang iba sa atin ay tulog na by that time at ang iba naman ay nanonood pa ng TV. Teka, wala palang masyadong activities sa gabi kaya ilipat natin sa umaga. Nasaan ka kaya nong 7 years old ka simula tanghali hanggang hapon? Anong pinakanaaaalala mong moments when you were at that age. Hmmm. Kahit ako napapaisip sa tanong ko ha. Unang-una kong naalala ay ang pagdidisiplina sa ...

back to bow

The apostles returned... Mk. 6:30 Hello mga kablogs! Kamusta na kayo? Ang tagal na rin bago ulit ako nakabalik. Talagang namiss ko ang paggawa ng blog. Ano? Oo, sa 3 linggong nakaraan iba ang gumagawa ng blog. Nakakatuwa nga rin kasi nadagdagan na tayo ng blogger. Sa palagian niyang pagbabasa ng blogs ko hindi mo na mahahalata na magkaibang tao pala ang nagsusulat. Nag-emote kasi ako kaya nagstop muna akong magblog. Marami akong blogs tungkol sa motivation, worry-free at kung anu-ano pang pagpapatibay sa isang tao pero totoo rin ang kasabihang madaling sabihin mahirap gawin lalo na at kapag ikaw na mismo ang kumakaharap ng pagsubok. Kaya ganoon nga ang nangyari, sabi ko sa kaibigan ko siya na muna ang magblog hanggat hindi ko pa nalalagpasan ang low point na kinakaharap ko ngayon. Tapos sa misa kahapon, umpisa pa lang ng kantang "Sing to the Mountains" gusto ko nang maiyak. Gusto ko nang sabihin sa Kanya na nahihirapan na ako at gusto ko nang malaman agad kung anong plano Ni...

Masayang Pagod

He said to them, "Come away by yourselves to a deserted place and rest a while." People were coming and going in great numbers, and they had no opportunity even to eat. – Mark 6:31 Happy weekend muli sa inyo mga kablogs! Nakakapagod na linggo na naman ang nakalipas. Lahat tayo ay naging abala sa nakaraang linggong lumipas at kung hindi man abala ay syempre may ginawa naman tayo na lahat ay dapat nating ipagpasalamat sa Maykapal. Naranasan nyo na ba na maging masayang pagod? “Luka-luka ka talaga, Day!” ika nga ng mga housemates ko kung tatanungin ko sila ng tanong na yun. Hehehe. Karamihan kasi sa atin, kapag pagod, mainit ang ulo, wala sa mood, walang lakas, gutom, stressed, nalulungkot, o kaya, wala lang, walang pakiramdam. Puro negative feelings, pero lahat ay natural lang na mga nararamdaman ng isang tao. Pero lahat ay may katumbas na reward sa lahat ng nararamdaman nating mga pagod. Dapat lang ay alam natin kung paano ito hahanapin. At kapag nahanap na natin ito, doon nat...

Be Not Afraid

Hello all! Unang-una sa lahat, nagpapasalamat talaga ako sa blogs mo. Nakaka2 ka na. Alam mo kung hangang kailan ka... Saka na lang natin sabihin sa readers kung ano iyong 2 ha. heley. Gusto kong makapagshare sa gospel ngayon kaya heto na. Ang tumanim naman sa akin sa homily ni Fr. ay tungkol sa pagpapadala sa mga alagad pero walang pabaon sa kanila. Walang pinadala sa kanila kasi He will provide . Hindi Niya tayo ipapadala sa isang lugar o sitwasyon na hindi natin kakayanin. Parang iyong kasabihan na hindi ka Niya bibigyan ng problema kung hindi mo kaya. Tapos sinabayan pa ng kantang "Be Not Afraid" kaya talagang natouch ako sa buong mass kahit na patawa iyong katabi ko (nauna kasi sa kanta eh ang lakas-lakas). Itong Be Afraid din kasi ang narinig ko noong nagsisimula pa lang ako rito. Ang pinakafavorite kong line ay You will speak in foreign language but all will understand.. . Pakinggan niyo iyong song at namnamin ang message. Kung gusto niyo puwede kong ipasa sa iny...