Enjoying Blog

Ang saya-saya talaga. hehehe.

Matagal ko nang gustong ishare ito. Lately, nahilig akong magbasa ng book. Naaddict nga ako na talagang kapag nasimulan ko ang isang book gusto kong tapusin agad. Oks naman kasi marami talaga akong napupulot na magagandang lessons. Tapos, there were two instances in my life na nakapagparealize sa akin na masarap din palang makinig sa totoong kuwento ng buhay at marami rin akong natututunan. Una, may nameet kaming mga seamen sa Harbour Night at iyong pangalawa ay may nakakuwentuhan akong Pinoy habang naghihintay sa Park. Masarap makinig sa mga kuwento nila. Para na rin akong nagbabasa ng magandang libro.

Siguro naiisip mo, ANO NGAYON? hehehe. ganito kasi iyon, baka mamaya dada ka nang dada kapag may kausap ka. take time to listen at matutuwa ka kasi marami kang maririnig na magagandang bagay sa taong iyon. Baka mamaya nood ka nang nood ng Maalala mo Kaya at sisinghot singhot ka na kasi naiiyak ka sa mga nangyayari, hindi mo alam iyong kasama mo pala sa bahay ay may problema at kailangan ng tulong mo busyng busy ka pa rin sa panonood ng tv... Baka mamaya basa ka nang basa ng forwarded joke messages, hindi mo alam mapapasaya ka na ng pamangkin mong sumasayaw ng Spaghetti pababa (ano na ba ang usong syaw naguyo dyan) hehehe. Wala lang, may masabi lang. Simulan nating pansinin ang maliliit na bagay na iyon.

At higit sa lahat, sa mga OFWs at sa ibang concerned. baka mas pinili mo pang magbrowse ng pictures ng friends mo kaysa sa pakikipagchat sa nanay, mga kapatid at pamangkin mo. (Ouch! dati).

Tumingin ka sa paligid mo baka nandyan na ang satisfaction na hinahanap mo at hindi mo na kailangang lumayo pa.

Sana naenjoy niyo to kasi ako nag-enjoy. Bahala ka. hehehe.

God bless you all.


MSMCLife_is


Comments

Popular posts from this blog

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?

Again and Again