Fix your eyes to God
"Courage!" He said "It is I. Don't be afraid!" Matthew 14:27
Sobrang touched ako kanina sa homily sa St. Patrick Church. Ang gaganda ng mga sinabi ni Fr. I will do my best para maishare ko sa inyo. Sabi nya lahat daw tayo ay may internal at external fears/problems. Minsan sa buhay natin, tinatawag natin si God, hinihingi natin ang tulong Niya, tapos mag-eexpect tayo ng special na sagot ni God. Hindi raw ganoon iyon. Pakinggan mo raw ang whispering voice. Masyado kasi tayong occupied ng maraming bagay kaya hindi natin naririnig ang pagtugon Nya sa mga problems natin, iyong pagtouch Nya sa atin. Si Peter nakapaglakad sya sa tubig pero biglang nawala ang focus nya sa mga mata ni Jesus kaya lumubog sya. Napagsabihan tuloy sya ni God - Nasaan ang faith mo?! Minsan nga kasi kapag may problema tayo, don tayo nakaconcentrate sa mga problems. Minamaliit natin ang puwedeng magawa ni God kapag Sya ang hinayaan nating magdrive ng buhay natin. Basta matibay ang paniniwala natin kay God, walang imposible.
To sum up, huwag nating alisin ang pagkakaconnect natin kay God at palagi nating buksan ang ating mga tainga para marinig natin ang whispering voice Nya.
Next week ulit.
God bless you!
Comments