Muling nagbabalik



Hello sa inyong lahat lalo na sa nagbabasa ng blogs ko. hehehe.

Nakamiss ako ng 1 week kasi nawalan kami ng connection kaya medyo babawi ako ngayon. let's start.

11:42 pm sa aming munting kuwarto.

For whoever chooses to save his life for my sake will lose it, but the one who
loses his life for my sake will find it. Mt. 16:26

Nakakaramdam ako ng kakaiba kapag naririnig ko ung introduction ni Joel Torre sa Kunin Mo O Diyos You tube performed by Christian Bautista.

...Hanggat ang palay ay hindi nahuhulog sa lupa at namamatay ito ay hindi mabubuhay. Kailangang yakapin natin ang ating krus nang buong pagtitiwala at buong pananampalataya sa Diyos upang tulad ni Hesus pagmulan din tayo ng panibagong buhay. Gaano man kahirap ng buhay kung ito ay isusuko sa Diyos ito'y isang marangal na pag-aalay tapos bigla ng kakantahin ung Kunin Mo O Diyos.

Haaaaaaay.....

Naaalala ko iyong pagbbec namin nong nasa Pilipinas pa ako. Minsan sa pagpafacilitate ko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Wala akong naiisip na activity o questions na makakapagshare kaya nirerequest ko na ipagdasal ako ng magoopening prayer na isend sa akin ang Holy Spirit para magabayan ako at masabi ko sa mga members kung ano ang message ni God.

Doon ako lalong naniwala na basta para kay God at para sa kabutihan talagang igagrant Niya iyong request. Minsan nga mas maganda pa ung kinakalabasan ng BEC na hindi ko pinlano dahil nga si God ang kumilos.

Si God talaga nakakatuwa... hindi mo maiisip na ikaw na pala ung tinatapik Niya para maging instrument ng pagmamahal Niya. Sobrang damot ko dati, sabi nga ni Nanay mana raw ako sa Tatay ko. Tapos, hindi ko pa makakalimutan ang isang incident na nag-away kami ng Nanay ko sabi nya "Hindi ka pa kumikita ganyan na ang ugali mo at pagtrato mo sa akin eh di lalo na pag binibigyan mo na ako ng pera" Iyak ako nang iyak. sabi ko sa sarili ko,ang Nanay ko ang dahilan kaya ako nagsisikap tapos hindi rin pala nya tatanggapin ung tulong ko. Simula noon, medyo nagbago na unti-unti ung ugali ko. hehehe.

Sa ngayon hindi na ako masyadong maramot. Masaya pala ang feeling na nakakapagpasaya ka ng ibang tao, nakakapagpasaya ka sa mga mahal mo sa buhay lalo na ang pinakamamahal mong nanay. Naadapt ko na ung ugali nyang mapagbigay.

Finale...

Marahil gusto niyo ring maranasan ang kasiyahan ng pagbibigay. Maaari niyong subukan iyan kahit sa malilit na bagay gaya ng pagbili ng balot o mane para sa Nanay/Tatay mo, pizza para sa mga kapatid mo at Piknik sa mga pamangkin mo. Tama! dyan din ako nagsimula tapos padagdag na nang padagdag. Kapag nasatisfy mo na ung saya mo sa pagtulong mo sa pamilya mo, lumabas ka na sa mga kamag-anak tapos sa mga kaibigan. Hindi mo namamalayan, gusto mo na ring tulungan ung mga kapit-bahay mo, ang kapuwa mo Pilipino. Kapag nareach mo na yan, sabihan mo ako kasi isasuggest ko sa'yong magdonate ka ng book para sa project naming 4S - Share a Secret Spread Success

Buksan mo raw ang palad mo, makakawala ang mga blessings pero marami ring makakapasok. Basta't para sa kabutihan, magiging masaya si God at Sya pa ang gagawa ng paraan para marealize ang mga mabubuting hangarin mo. Mawalan man tayo ng sariling buhay dahil sa pagbibigay-buhay para sa ibang tao,muli Nyang ibabalik ng SIKSIK LIGLIG AT UMAAPAW.



Bow.Img_4967


Comments

Popular posts from this blog

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?

Again and Again