Keep the faith alive




"Do not fear, just believe." Mt. 5:36

"Talitha Kumi!" which means: "Little girl, get up!" Mt. 5:41

Good morning mga kablog. Mamaya pa kami magsisimba ni Kuya dahil may special celebration para kay St. Paul. Hihintayin ko na lang ang comment ng isang blogger para siya na ang mag-input ng paliwanag ng simbahan.

Napansin niyo bang tungkol sa faith ang mga pagbasa lately? Hmmmm. Ang galing naman ng cycle ng simbahan at nalaman nilang sa mga panahong ito higit na kailangan ng mga tao ang pag-aaral tungkol sa faith. Sa panahong ito na maraming nag-aalala tungkol sa pagkawala ng trabaho, pag-aadjust sa bagong trabaho at iba't ibang issues na kinakaharap sa buhay. Hangad kong makatulong ang blog na ito para sa mga taong nangangailangan ng matibay na pananampalataya. Iintindhin natin ang pagbasa sa tulong ng experience namin kahapon.

Hinanap namin ni Kuya Ryan ang bahay na pupuntahan niya sa St. Georges tuwing Thursday. Nakarating na siya roon kaya lang may kasama siya nong una kaya nagpursigi siyang alamin ang lugar para alam na niya bago pa magpasukan. Nakakatuwa ang attitude niyang iyon na gusto niya palagi ay pinaghahandaan ang lahat ng bagay bago niya harapin. Naghahanda ka ba sa mga worries mo? Kung mawawalan ka ng trabaho, naghahanap ka ba? Kung may bago kang trabaho, pinag-aaralan mo ba? Marami ring pasikut-sikot sa lugar na pinuntahan namin. Mali ang napasukan naming iskinita kung saan naroon ang maliit na simbahan. Sabi nga namin everything happens for a reason - naligaw pala kami sa kalsadang iyon dahil gusto ni Lord na dumaan muna kami sa Kanya para ibless kami at sabihang "Do not fear, just believe." Kung mayroon kang pangarap at hindi umayon sa plano mo, galit mo bang tatanungin ang Panginoon o maniniwala na He knows everything kaya may dahilan kung bakit minsan taliwas ang nangyayari sa mga plano natin. Tinunton naman namin ang kabilang kalsada. Bago pa man ako maggugol ng time sa paghahanap ng bahay na iyon, itinanim ko na sa sarili ko na bukod sa objective naming mahanap ang bahay mag-eenjoy din kami. Kaya sa bawat magagandang view na nadaaanan namin huminto muna kami at nagpicture taking. Muling paalala na habang tinatahak natin ang ating tagumpay dapat ay naeenjoy natin ang bawat araw na nagdadaan sa ating buhay. Kung katulad kitang OFW, pangarap mo mang magkaroon ng magandang bahay o kahit anong pangarap, dapat ay inienjoy mo rin ang bawat araw sa ibang bansa. Ano ang kabutihang maidudulot kung natupad mo nga ang pangarap mo pero hindi ka naman nag-enjoy? In the end, natunton namin ang lugar. Yahoo.

Isa pa ay tungkol kina Arnel Pineda at Charice Pempengco. Parehong world-class. Parehong world-class at nakakalungkot lang isipin na ang nakapansin pa ay ibang lahi. Naaalala ko tuloy iyong pagbasa na sabi ni Hesus walang propeta ang kinikilala sa sariling bayan. Anyway, nakakakabilib talaga ang 2 singers ito. Hindi sila tumigil para matupad ang tinatamasa nilang tagumpay ngayon. Sabi nga ni Arnel sa isang interview, "Huwag matakot sa mga pagkakamali dahil mas maitatama na ang mga pagkakamali sa susunod." (Mistakes are just opportunities for learning something new.) Si Charice naman kahit na napakabata ay nalagpasan ang ibang mga sikat na artista. "Little girl, get up!" Shine! Silang dalawa ay nagsikap at nagtiyagang mabuti para matupad ang mga pangarap nila. Sana ay maging katulad din nila tayo na mapangarapin at gagawin ang lahat matupad lang ang mga iyon kasabay ang pananampalatayang ginagabayan tayo palagi ni Lord.

O paano hanggang sa muli. Pagtibayin natin ang ating pananampalataya. All things are possible with God. Keep the faith alive!

Comments

Popular posts from this blog

Ang BASWIT ni Bien!

Another bonus blog - Pag-ey-blog