Bukluran
It was not you who chose me... I chose you and appointed you to go and bear fruit that will last.
Hello ulit mga kablogs. Minabuti ko ng magblog para iparating sa mga kabataan ang aking nararamdaman.
Nagpapasalamat ulit ako sa PYM sa isang napakagandang performance noong 4S launching. sa pagmamasid ko sa kanila, namiss ko ang panahon namin nina Emma, panahon namin ng mga Coolhetz, panahon namin ng iba. Marami na kasi sa amin ang hindi na kasapi ng PYM dahil mga nag-asawa na. Ang nakakatuwa lang hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin at nagpapatuloy sa pamumuno ni Dok, Hildz, Bok at Alvin.
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang gusto ko lang hilingin ay sana mabuhay ang bukluran.
Ano ang bukluran? Ito ay pinasimulan ni Fr. Jayson. Buklod means pinag-iisa. Naalaala ko nong pinadala kami nina Sr. Donna, Hilds at ako sa isang seminar about Bukluran. Mabuti na lang at nagamit ko ang mga natutunan ko noong nasa Pinas pa ako.
Nagsimula ang aming bukluran sa aming magkakabarkada (Ems, Chat, Memey, Kuya Rye atbp mga bugoys). Nakasama rin namin sina Lorein at ilang mga kabataan. Nong nag-asawa na si Ema, medyo nawala na rin ang aming nasimulang bukluran pero naituloy sa Coolhetz at HRS group. Hanggang sa nabuo ulit ang PYM at nagbubukluran pa rin kami.
Ipinagpatuloy nila ang bukluran kahit wala na ako at bigla na lang wala na akong balita...
Ano ang maitutulong ng bukluran? Hindi ako mag-aaksaya ng oras na magtype kung walang maidudulot na maganda ang bukluran. Sa buluran kasi nagkakabahaginan ng mga nangyayari sa buhay. Sharing ito. Ang kagandahan kahit hindi ka magshare, may natututunan ka pa rin sa pakikinig sa mga kasama mo.
Maniniwala ba kayong isa ito sa pinagmulan ng 4S? Isa sa aming topics noon ay kung ano iyong pangarap. 4 kaming nagsabi na gusto naming magkaroon ng scholarship foundation.
Nakakatuwa lang kasi minsan parang mas effective kapag alam ng iba ang nasa puso mo at minsan nakakatulong din ang sharing sa pagpapagaan ng loob.
Kaya, mga PYM iniimbitahan ko kayong sumaling muli sa BEC. Muli nating buklurin ang bukluran.
God bless everyone!
Comments