continuation - Unang hirit

The moment your greeting sounded in my ears, the baby within me suddenly leapt for joy. Lk. 1:44
Hello mga kablogs. In relation sa last blog, nachallenge ako sa response ng isa kong officemate/friend na ang idiscuss ko raw sa susunod ay solutions naman sa issue about work. Noong una, sabi ko parang hindi pa napapanahon kasi hindi pa ako retiring period at hilaw pa ako in terms of work. Pero siyempre, kung gusto may paraan kaya samahan niyo akong himayin ang aking job experiences simula 2003 hanggang ngayon.
Bago ang lahat, ang pagbasa ngayong Monday ay tungkol sa pag-visit ni Mary kay Elizabeth. Sa tuwing umuuwi ako palagi ko talagang dinadalaw ang mga katrabaho ko. Nagiging masaya ako sa tuwing nakikita ko sila at muling nakakakuwentuhan.
Ilang oras tayong nagtatrabaho sa isang araw? 8 kung normal kang empleyado at para sa iba ay 10-12 naman. Natutulog tayo siguro 6-8 hours, bumabiyahe ng ilang oras at kaunti na lang ang time para makasama ang pamilya. Sa weekend na lang at kung minsan kailangan pang mag-OTY. Overview lang ito how much time we spend at work at kung titignan halos 1/3 ng ating buhay ay sa trabaho umiikot. Kaya kapag hindi ka masaya sa trabaho, parang hindi na rin masaya ang iyong buhay.
Ang hirap talaga kung paano sisimulan... Siguro maganda nga kung sa simula magsisimula.
Pagkapasa ko sa Board Exam, todo submit na ako ng CVs sa mga malalaking firms. Akala ko noon kapag nagpasa, interview agad tapos hired na. Nakakainip kasi wala namang nagrerespond eh malapit na kaming mag-oath taking. Sabi ko "dyahe" kapag nagkita-kita kami nina Neng at Sha tapos wala akong work kaya pinatos ko ang very minimum na salary masabi lang na may work ako. Nagsisimula na ako noon sa company na iyon tapos biglang tumawag iyong sa mga gusto ko talagang company para sa job interview. Dahil hindi pa marunong sa buhay, pinairal ko ang hiya at sabi ko mag-stick po ako sa present job ko.
Lesson No. 1. Hindi kinakarera ang career. Ayos no! What I mean is kailangan ding magtiyaga talaga at magpasensya kasi may nakalaan para sa atin. Kung hindi ako nagmataas na gusto ko ng work at hindi ko pinairal ang hiya ko, siguro nasa mas magandang company ako during that time.
Syempre, nandito na naman ako sa aking kasabihang "Everything happens for a reason." May dahilan kung bakit napunta ako roon at makilala ang mga naging kaibigan ko especially my boss - Maam Grace Cumlat.
So nagresign ako ng walang nakaabang na trabaho. Mahirap pala iyong ganoon kasi kakagat ka na lang sa kahit anong trabaho kapag nakaramdam kang matagal ka ng tambay. Naging tambay nga ako for 1 month at heto may Accountant position akong nahanap sa QC. Kaya pala tuwang-tuwa sa akin dahil bukod sa nakajackpot na sila sa board passer hindi pala sila regular na nagpapasahod. Secret lang iyan ha. Gustuhin ko mang umalis noon pa man, hindi na puwede kasi wala pa akong maipagmamalaking experience sa CV ko kaya I decided na mag-stay for 1 year kahit delay-delay ang sahod.
Lesson No. 2. Kapag nagtatatrabaho na, bukod sa monetary reward, dapat din ay pinapaganda natin ang ating record. Mas maganda na makikita sa CV na nakatagal ka sa company. Kapag palipat-lipat ka, hindi maganda ang dating non sa'yo...
Syempre, everything happens for a reason again dahil dito ako nahubog. Nakilala ko rin ang isa ko ulit na boss - si Maam Nanny. Dito ko rin natutunan ang mga excel shortcuts (from Ms. Charmie). At, dito ko rin nakikilala ang mga kaibigan ko - Shiella, Thess at si MJ.
Pinagtulakan na ako ni Maam Nanny na maghanap ng iba kaya napadpad ako sa A company. Wow! Mas mataas ang sahod pero mag-isa lang ako sa kuwarto na akala mo ay outcast. One time, nasira pa ang aircon. Tapos, sa simula pa, ang hirap sakyan ng mga ugali ng mga katrabaho ko. Hanggang sa noong nakilala ko na talaga sila, may mabubuti rin silang puso kagaya ko. Ang saya-saya namin na akala mo ay isang pamilya. Dito rin nagkachance kami na magbukluran (Ate Arlene, Ms. Rheah, Ms. Cathy).
Lesson No. 3. May mga makakatrabaho kang akala mo ay kakainin ka ng buhay o iyon bang mga intimidating. Hulihin mo lang ang kiliti at marerealize mong may ginintuan silang puso. Gamitin din ang mga pagkakataon na ishare ang God's love.
I miss you all A family lalo na kay Boss Cecille!
Biglaan na lang ililipat daw ang location sa Sucat kaya dali-dali akong nagahanap ng ibang trabaho at napunta nga ako sa A company.
Medyo sosyal na rito at mga nakasama ko ay karamihan mga ka-edad ko kaya magigimik at madadaldal lalo na sina J at J. hahaha. Balik tayo sa job experience... Napunta sa akin ang Cash Advance na ang gawain ay magprocess ng CA at sa bandang huli ay magmamakaawa para iliquidate na nila dahil kung hindi lagot ako sa mga auditors. Kakalokang trabaho pero iyon pala ang training ground ko sa trabaho ko ngayon.
Lesson No. 4. Minsan nakakapagtaka kung bakit ayan ang ginagawa mo. The reason pala ay God is preparing job for you na related sa gagawin mo in the future.
Thanks sa lahat especially kina Ms. Dez, Ms. Lelet at Lelen (Ms. Lelen).
Nakapag-abroad na nga ako with Megapips support kasi pinayagan nila akong mawala ng ilang oras sa trabaho para makapag-asikaso ng mga papers. Salamat din sa mga naging bosses ko na nagbigay ng reference letters.
Pareho lang naman sa abroad, ang pinagkaiba lang ay English na ang salita tapos may mga ibang ginagawa na hindi ka sanay. Lately ko lang narealize na puwede namang mapag-aralan iyon. To be specific, ako kasi iyong tipo ng tao na bahay-trabaho-bahay kaya kapag may mga kasiyahan pass talaga ako. Diba nga kasi mahiyain ako? hehehe. Lumabas ako sa aking comfort zone at inisip ko na ayos lang kung anong kalabasan kasi nga hindi ko naman comfort zone iyon. Hanggang sa magiging comfortable ka na rin at lalawak na nang lalawak ang iyong comfort zones.
Nasa ating desisyon kung paano natin papasayahin ang buhay-trabaho natin. Lalo pa ngayon na narealize natin na work is 1/3 of our life.
Nagtataka ka pa ba kung bakit gustong-gusto kong balikan ang mga katrabaho ko every time na umuuwi ako? Sila ay naging part ng aking buhay at saan man ako mapadpad palagi sila sa aking puso.
Hanggang dito na lang. Babush!

Comments

Popular posts from this blog

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?

Again and Again