Pacman!


Through perseverance you will possess your own selves. Luke 21:19

Kagabi ang kauna-unahang manood ako ng boxing na talagang tutok na tutok. Dati sa Pinas, isa ako sa mga nangdideadma sa mga boxing. Manood man ako, silip lang. Simula naman nang nagwork ako sa ibang lugar, ang mamahal ng bayad para lang makanood. Kagabi, parang napilitan lang kaya sinulit ko na kasi nagbayad din ako. hehe.

"Sige suntok! Whoooo!" mga sigaw ko kagabi habang nanonood.

Naiinis pa ako kay Pacman kasi palaging nagpapacorner sa side, iyong nagigipit sya. Sabi naman ng kasama ko, STYLE NYA IYON PARA KAPAG SINUNTOK SYA, MABUKSAN ANG MUKHA NG KALABAN AT MAKASUNTOK SI PACMAN NG MAS MALAKAS.

Sobrang napabilib ako sa style ni Pacman at narealize ko nga na kapag nakakaranas tayo ng sakit lalo tayong lumalaban. Lalo tayong nagtatagumpay. Hindi lahat ng nangyayari sa buhay natin ay puro saya at puro panalo. Mas nagiging effective pa nga tayo kapag nakakaramdam tayo ng kahirapan bago natin matamo ang pagkapanalo.

Isa pa sa mga napansin ko kagabi. Sa interview kina Pacman at Margarito, palagi nilang sinasabi na "mananalo ako." Walang nagsabing lumalaban na "ay parang matatalo ako." Kasi kapag alam nating naghanda tayo, dapat maging confident tayo na makukuha natin ang dapat nating makuha. Minsan kasi nakakatulong ang pagiging confident para makapagperform tayo nang maayos. Labas dito ang pagiging over-yabang ha. Though sinabi nilang mananalo sila, hindi naman sila nagsabing "walang mapapala yang kalaban ko, talo na yan." Gets?

Isa pa ulit sa natutunan ko, nong pinagtapat ang statistics ng 2, si Pacman ay dejado. Kahit nga ako sa isip ko, delikado sya sa laban na 'to. Pero dahil si Pacman ay naghandang mabuti, may mabuting intensyong manalo (to help Filipinos) at nagdasal nang mataimtim, naipanalo niya ang game. Hindi ibig sabihin na malaki na ang mga pagsubok natin sa buhay, susuko na tayo. Subukan mo at kapag nakalagpas ka sa hurdles bigger than you, mas masaya ang pakiramdam.

Ayun lang for this week. Short and sweet blog. Nagpapaalalang kapag may tiyaga, may nilaga.

God bless everyone


Comments

Popular posts from this blog

Ang BASWIT ni Bien!

Another bonus blog - Pag-ey-blog