KKK part 2


"I am the handmaid of the Lord, let it be done to me as you have said."


Hello mga kablogs! O diba nagbablog pa ako eh 12:13 na. Nagsign up kasi ako sa isang free Webinar eh sa ibang planeta gaganapin, ala-una nila ng hapon, ala-una ko naman ng madaling araw. Free naman kaya oks lang.


Nakinig ako ng homily ni Fr. Luke kani-kanina lang at nabanggit niyang muli ang tungkol sa Kapangyarihan, Kayamanan at pagKain. Naalala ko iyong kaibigan kong si Cecille Santos. Nakakabilib ang taong iyon. Sama-sama nating alamin kung bakit.


Kapangyarihan


Walang dudang sobrang galing niya sa lahat ng bagay. Naging kaklase ko kasi sya kaya alam ko ang style niya. Siya iyong tipo na kahit siya ang isa sa mga nagtatop sa klase, pahumble effect pa siya. Ayaw na ayaw niyang narerecognize siya pero gustong-gusto naman niyang naishashare ang mga techniques niya sa Accounting. Magugulat ka na lang na nakatipon na ang mga kaklase ko sa kanya kasi nagtuturo na siya. Narinig ko rin na hanggang ngayon Team Member pa rin siya na ikinagulat ko kasi sa tipo niya dapat nagmamanage na siya ng team. Ang sabi lang niya sa akin basta raw tumataas ang sahod kahit team member lang forever oks lang. Ayaw niya kasing makasagasa ng tao. Inihabol lang niya na gusto niyang maging supervisor para makahubog ng mga katrabaho pero other than that wala siyang pakialam. Kakaiba kasi ang paniniwala niya tungkol sa recognition. Kapag narecognize raw tayo sa lupa hindi na tayo marerecognize sa langit kaya ganoon lang siya silent worker pero may ibubuga. Tsaka alam ko parang papasukin na yata niya ang pulitika not because para magkaroon ng kapangyarihan at makagawa ng kabulastugan bagkus magkapangyarihan para magkalat ng kabutihan. Boto natin.



Kayamanan


Mahirap lang ang pamilya nila. Pinalad lang siyang makapasok sa school namin dahil sa ate niya pero kung wala ate niya roon, hindi kinaya non ang tf namin. Hindi sya halatang mahirap at halata naman na hindi mayaman. hehe. Average lang talaga parang ako. Kaya nga noong nagkaroon siya ng unang trabaho at tinuringan ng minimun, kinagat pa rin niya e. Ang balita ko pinalad daw makahanap ng trabaho at sumasahod ng may kataasan. Iyong tipo bang makakabili ng magandang cell phone, mamamahaling damit, mga accessories sa katawan, atbp. Nakakapagtaka lang na kapag nagkikita kaming magkakaibigan, ganoon pa rin kung pumorma - lumang rubber shoes, kupas na maong, simpleng hikaw, simpleng damit, simpleng Cecille. Kaya pala kasi mas pinili niyang tumulong sa pamilya at kapuwa kesa maging maluho.


pagKain


Noong college kami palagi kami sa McDonalds at siyempre palaging chicken ang kinakain namin. Ngayong nagtatrabaho na, nabalitaan kong palagi pa rin palang chicken ang kinakain kapag lunch. Mabuti sana kung Maxx chicken, eh iyong chicken na pagkain niya palaging adobo. Sa tingin ko kaya niyang bumili na lang ng food sa pantry nila at kaya ng sahod niya kahit hindi na siya magbaon. Siyempre, pinili talaga niyang magbaon ng paulit-ulit na ulam para makatipid para sa mga mahal sa buhay atbp. Weird talaga iyon. Tinanong ko kung anong gusto niyang gawin sa birthday niya - magpapanood daw ng movie tapos magpapakain sa maraming bata. Sana lang huwag adobo ipakain niya.


Kakaiba man 'tong kaibigan ko, marami akong natututunan sa kanya. Sana maadapt ko iyong ugali niyang kahit galit na siya sa tao, wala kang maririnig na pagrereklamo sa kanya o pagsasabi ng masama hinggil sa taong kinaiinisan niya. Siguro nagrerelease na siya ng galit kapag may nababanggit siya pero mararamdaman mo talagang malinis ang puso niya. Ako na nga ang gustong magpush sa kanya na magalit ka na. Ano ka bato? Ang katuwiran kasi niya kapag may galit kang nararamdaman sa kapuwa mo, sabihin mo nang diretso sa kapuwa mo kesa ipadaan mo pa sa iba dahil ang tendency maliligaw lang yan at baka may madamay pa. Kung hindi mo naman daw masabi sa kapuwa mo na naiinis ka, sarili mo lang iniinis mo kasi there will be no way that person will know kung anong mali niya. Medyo mahirap 'tong paniniwala niya pero minsan parang totoo naman. Paano malalaman ng kapatid kong naiinis ako sa kanya kung hindi ako naglakas ng loob na sabihan siya? Masama pa kung nilalabas ko ang sama ng loob ko sa isa kong kapatid at sakto pang galit din pala siya sa kapatid kong iyon. Kaunti lang ang atraso sa akin ng kapatid ko pero nong nagkakuwentuhan na kami ng isa kong kapatid, napagsama na namin ang inis namin at parang gusto na naming tirisin ang bunso kong kapatid.


Si Hesus nga na walang kasalanan hindi nagawang batuhin si Magdalena, tapos tayo pang mga tao na kaunting pagkakamali ng kapuwa natin para na tayong Diyos na hindi nabahiran ng kasalanan. Naiinis din ako sa tao pero mas naiinis ako sa sarili ko kapag wala akong lakas ng loob na iparating ang inis ko. Kapag hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob, ako na ang magsasasuffer kaya ang choice ko na lang ay tanggalin ang inis ko. Kaya ngayon nagsettle na ako tungkol sa inis - etiher sasabihin ko direkta sa tao or (kapag hindi ko kayang sabihin) para hindi ako magkasakit sa puso sa pagkikimkim hindi na lang ako maiinis.


Ayun lang. magsisimula na ang Webinar. For sure, may reflection na naman akong maiisip this weekend. Abangan niyo.


God bless us all!

Comments

Popular posts from this blog

Ang BASWIT ni Bien!

Another bonus blog - Pag-ey-blog