Posts

Pacman!

Image
Through perseverance you will possess your own selves. Luke 21:19 Kagabi ang kauna-unahang manood ako ng boxing na talagang tutok na tutok. Dati sa Pinas, isa ako sa mga nangdideadma sa mga boxing. Manood man ako, silip lang. Simula naman nang nagwork ako sa ibang lugar, ang mamahal ng bayad para lang makanood. Kagabi, parang napilitan lang kaya sinulit ko na kasi nagbayad din ako. hehe. "Sige suntok! Whoooo!" mga sigaw ko kagabi habang nanonood. Naiinis pa ako kay Pacman kasi palaging nagpapacorner sa side, iyong nagigipit sya. Sabi naman ng kasama ko, STYLE NYA IYON PARA KAPAG SINUNTOK SYA, MABUKSAN ANG MUKHA NG KALABAN AT MAKASUNTOK SI PACMAN NG MAS MALAKAS. Sobrang napabilib ako sa style ni Pacman at narealize ko nga na kapag nakakaranas tayo ng sakit lalo tayong lumalaban. Lalo tayong nagtatagumpay. Hindi lahat ng nangyayari sa buhay natin ay puro saya at puro panalo. Mas nagiging effective pa nga tayo kapag nakakaramdam tayo ng kahirapan bago natin matamo ang pagkapanal...

haaaay buhaaaay

Image
For him all are alive. Luke 20:38 Mga kablogs, quick blog 'to dahil kailangan ko pang mag-impake. Mamimiss ko kayo this weekend dahil hindi ako masyadong magfafacebook. Noong nag-aaral kami, nakagawian na naming ipakita ang cards/grades namin kay Nanay at Tatay. Dahil mga teachers sila siguro sawa na sa mga cards kaya walang effect mga grades namin kahit mataas o mababa. Wala kang maririnig na kahit anong comment. Kapag may nagsasabi rin sa akin na mga kabataan ng grades nila na minsan ay may hindi matataas na grades (for them), palagi ko lang isasagot. Ang galing ha. Keep up the good work. Walang negative comment. Ganyan din si Lord, may gawin kang mabuti, matutuwa Siya. May magawa kang mali, malulungkot Siya pero hindi ka Nya sasabihan ng negative. Good luck na lang kapag bigla Siyang nagsalita. Tayong mga tao ang gumagawa ng ating basehan. Tayo ang naglalagay ng grades sa sarili natin. No one really cares. Dahil buhay mo iyan at bihira lang ang mga taong magsasabi sa iyo ng mga...

Mag-esep-esep

Image
So he ran ahead and climbed up a sycamore tree. Luke 19:4 Hello mga kablogs! Happy birthday ulit kina Gaudi at Ate Alma. Sa Bermuda ko natutunan ang happy hour - mag-iinuman na nakatayo at magkukuwentuhan ng bonggang-bongga. Hindi ko masyadong naeenjoy kasi hindi naman ako makuwento at hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila. Out of my world ba... The other night, niyaya ako ng friend kong kumain ng burger madness. Apat lang kami at comfortable ako sa kanila. Nakakarelate naman ako sa mga pinag-uusapan nang biglang naging topic ang car. Ang dami-daming brands at models ang nabanggit. Naissue pa nga kung 2-door o 4-door. Ano namang malay ko sa car?! Kung tricycle pa yan, puwede kong sabihin sa Pilipinas may iba't-ibang kulay ang tricycle depende sa lugar. As in tameme talaga ako at sobrang wish na iba naman ang pag-usapan. Hindi ko pa kasi iniisip na bumili ng sasakyan (dahil wala akong pambili. wahaha) kaya hindi pa ako ganoon ka-knowledgeable about don. Kung iisipin kong gus...

ASK and BELIEVE

Image
"For whoever makes himself out to be great will be humbled and whoever humbles himself will be raised." Luke 18:14 Hello mga kablogs! Palagi naman akong naglalagay ng mahabang insight these days kaya feeling ko palagi akong nagbablog. Iyong sleeping habit ko hindi pa bumabalik sa ayos. Nagigising pa rin ako ng maaga kaya kung anu-anong kinakalikot ko. Hehe. Sobrang sarap talaga ng feeling kapag gigising ka sa umaga na wala kang dapat alalahanin kasi hindi mo na kailangang mag-aral ulit, good bye accounting books for few months. Ibablog daw ng isang kaibigan ang tungkol sa pag-aaral kaya hindi ko papalawakin 'to. Ang sa akin lang ay ang pagpapaalalang kaunting tiis lang kapag nakalagpas, lifetime na kaligayahan ang katapat. Kahit magdamag ka pang magFB. Ikukuwento ko ulit sa inyo ang buhay ng kaibigan ko. This time si Jana naman. Aariin ko ulit para mas madaling magsulat. Ito ang istorya niya. Mga readers, ramdam na ramdam ko kung gaano akong pinagpala, kung gaano akong ka...

Life is like a blended coffee

Image
Coffee solves everything. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako iinom ng isang tasa ng kape - una at huling tasa ng kape para sa buong araw. Ang nanay at kapatid ko namang panganay nakaka-tatlo hanggang limang tasa yata sa isang araw. Sa office kapag hindi masyadong marami ang ginagawa, nandyan na iyong yayayain ako ng mga katrabaho kong magkape sa "Shine Box" (hindi totoong pangalan). Dahil nga solved na ako sa isang tasa ng kape palagi akong tumatanggi. Grabe pa iyong mga iyon dahil makikita mo nang nagkakape sa umaga, magkakape pa habang nagtatrabaho kaya siguro nakakatatlong malalaking cups din sila in a day. Ano nga bang naidudulot ng kape? Nagresearch ako sa google at ito ang mga nakita kong naidudulot ng pag-inom ng kape... http://www.stylecaster.com/news/7790/benefits-of-coffee-a-cup-a-day-may-keep-the-doctor-away 1. Coffee is the #1 source of antioxidants in the American diet (siguro applicable rin Filipino diet) 2. Coffee increases your metabolism 3. Coffee can...

Special Blog Edition 2 of 2

Image
He takes but He will give them back to you in unexpected ways. gawa-gawa ni SMC. Hello mga kablogs! Sana nabasa niyo iyong una kong blog. Special iyon pati ito. Iyong quote sa taas hindi ko alam kung paano ikoconstruct iyong sentence pero nandyan naman iyong thought. hehe. Sisimulan ko na ang aking 2 of 2 Special Edition blog... October 2010 ay panahon ng paghuhukay sa kasuluk-sulukan ng aking mga bulsa para maghanap ng pera. hehe. Simula nang malipat ako sa Cincinnati, Ohio sobrang liit na ng kinikita ko. Ang laki-laki naman kasi ng tax kaya kung sa gipit ang pag-uusapan, ako po'y gipit sa pananalapi. May natanggap akong statement last week at kailangan ko raw magbayad ng $225.00 (almost Php10,000). Eh, pambayad ko na iyon sa isa sa mga pinaghahandaan ko e. Tumawag ako sa insurance at sa clinic para sana mawaive iyong charge pero sobrang pilit sila na kailangan ko raw bayaran iyon kasi hindi ko ginawa ang dapat kong gawin. Ang nangyari kasi, nagpreventive visit ako noong Nov. 200...

OH MY BLOG, the Special Edition 1 of 2

Image
"Was no one found to return and give praise to God but this alien." And Jesus said to him, "Stand up and go your way; your faith has saved you." October 2003: "Carla, kahit hindi ka maging cpa ayos lang. Huwag mong puwersahin ang sarili mo at baka kung anong mangyari sa'yo." Palaging paalala ng Mama ni Carla kasalukuyang peak ng pag-aaral ni Carla for board exam. Ilang araw matapos ang 2 weekends of examinations, mangiyak-ngiyak si Carlang ibinalita sa Nanay at mga kapatid na nakapasa sya. Haaaaaay! To God be the glory! Siguro kung hindi sya nakapasa, baka nasiraan ng bait ang kaibigan kong 'to dahil sobrang effort talaga ang binigay nya. Akala ko doon na nagtapos ang pag-aaral at pagtatake ng exams sa buhay ni Carla... Ang pagiging certified ang nagbigay daan sa kanyang buhay para magkaroon ng maayos na trabaho at nabigyan pa nga ng chance na mapunta sa Dubai. Dahil mag-isa lang na namumuhay, naisipan niyang mag-aral ulit at itake ang Internation...