Posts

The Way You Look At Me

“A prophet is not without honor except in his native place and among his own kin and in his own house”. – Mark 6:4 Hello mga kablogs! Narito na naman tayo para sa another blog week. Naisip ko lang ibigay yung title na The Way You Look At Me dahil naalala ko yung paboritong singer ng kaibigan ko na si Christian Bautista. Pero yung blog natin ngayon, hindi sya tungkol sa kanta. Isheshare ko lang yung magandang homily sa mass na naattendan ko sa pamamagitan ng pagpapalawak ng song title na yun. Sabi kasi ni Fr., simple lang daw ang pagiging propeta (tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon). Hindi naman kailangan ng degree, kung anong trabaho mo, anong estado ng buhay, o kung anuman. Ang kailangan lang daw ay ang iyong sarili. Sarili na may pananalig, na tayo ay imahe ng Panginoon, na tayo ay tagapagpahayag lang ng gusto Nyang sabihin sa mga taong hindi naniniwala sa Kanya, sa mga taong may matitigas na puso, sa mga taong nasusukluban ng galit, o kahit na ano pang masasamang element...

comment - Keep the feet alive

Hello na namang muli sa iyo pinakamamahal naming author! Hello rin sa lahat ng iyong mga masusugid na mga ka-blogs! Namiss ko yung mass nung nakaraang linggo dahil sa sobrang kabusyhan. Pero pinagpray ko pa rin kay God na gabayan pa rin Nya ako sa week na iyon kaya ang faith ko na gagabayan Nya ako ang syang naging daan para maging maayos ang linggong nagdaan. Sa tulong na rin syempre ng maganda at nakakainspire na blog ng pinakamamahal nating author. Nakakainspire naman yung paghahanap nyo ng bahay mahal naming author. Para bang treasure hunting. Bawat daraanan, may kailangang matutunan. May mga balakid na kailangang harapin, pero ang ending syempre matatagpuan pa rin ang treasure. Kapag nanalig tayo na matatagpuan natin yung bagay na gusto nating marating, makakarating tayo doon sa tulong ng paggabay ng Panginoon. Minsan nga lang, nahuhuli tayo, o pwede rin na nauuna. Pero ang mahalaga ay nalaman natin yung mga pagsubok at napagdaanan iyon, gaano man natin katagal nalagpasan iyon. Na...

Keep the faith alive

Image
"Do not fear, just believe." Mt. 5:36 "Talitha Kumi!" which means: "Little girl, get up!" Mt. 5:41 Good morning mga kablog. Mamaya pa kami magsisimba ni Kuya dahil may special celebration para kay St. Paul. Hihintayin ko na lang ang comment ng isang blogger para siya na ang mag-input ng paliwanag ng simbahan. Napansin niyo bang tungkol sa faith ang mga pagbasa lately? Hmmmm. Ang galing naman ng cycle ng simbahan at nalaman nilang sa mga panahong ito higit na kailangan ng mga tao ang pag-aaral tungkol sa faith. Sa panahong ito na maraming nag-aalala tungkol sa pagkawala ng trabaho, pag-aadjust sa bagong trabaho at iba't ibang issues na kinakaharap sa buhay. Hangad kong makatulong ang blog na ito para sa mga taong nangangailangan ng matibay na pananampalataya. Iintindhin natin ang pagbasa sa tulong ng experience namin kahapon. Hinanap namin ni Kuya Ryan ang bahay na pupuntahan niya sa St. Georges tuwing Thursday. Nakarating na siya roon kaya ...

comment - kkk

Hello na naman muli sa iyo pinakamamahal naming author! Hello rin sa iba mo pang mga kablogs. Alam ko kung gaano mo pinaghirapan tong blog mong ito. 1 hour per K. Pero alam ko rin na kahit pinaghirapan mo ito, hindi ka pa rin nahirapan. Dahil tinatatype mo lang naman ang gustong sabihin ng puso mo e. Yun nga lang, nagutom ka. Ayk. Hehehe. Isang maligayang pagdiriwang ng Katawan at Dugo ni Kristo sa ating lahat! Masaya ako na naging active ako sa simbahan thru Parish Youth Ministry. Bakit ko naman biglang nasabi ito? Kasi, kung hindi ako naging active sa simbahan, isa lang akong normal na parishioner, na magsisimba tuwing linggo, tapos ang alam lang na celebration ng simbahan, ay Pasko, Holy Week, Easter, Fiesta (minsan nga hindi alam na may fiesta dahil sa patron saint), at birthday ni Mama Mary (konti lang din ang nagsicelebrate). At dahil nga naging active ako, naging aware ako sa iba pang mahahalagang celebration ng simbahan na hindi alam ng ilan. Solemnity of the Body and Blood of ...

FAITHers day.

Image
"Quiet now! Be still! Why are you so frightened? Do you still have no faith?" Mk.4:39 Hello ulit mga kablog. Ilang araw na akong puyat pero masaya kasi bonding kami palagi ni Kuya. Basahin niyo rin iyong comment sa last blog ko. Nakakamotivate para sa isang nanghihinaan ng loob gaya ko. ayk. Isa sa mga points niya ay tungkol sa mga ipinagdiriwang ng simbahan. Tama ka na marami nga tayong celebrations sa simbahan ngunit hindi alam ng ibang Katoliko. Kagaya na lang noong Friday na Solemnity of the Sacred Heart of Jesus at kahapon naman ay Solemnity of the Blessed Virgin Mary. Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Father's Day. May kilala akong pamilya na buo nga sa paningin ng iba pero sa loob naman ay watak-watak dahil sa kakaibang ugali ng Papa nila. Hindi naging mabuting ama at asawa ang Papa nila. Palaging may tension sa loob ng bahay kapag nandoon ang Tatay. Dahil na rin sa kanyang hilig uminom ng alak, nagkakacancer sa liver at binawian ng buhay. Naging mas buhay p...

KKK. (K)ovenant, Kalayaan at Kuya

This is my blood, the blood of the Covenant, which is to be poured out for many. Mk. 14:24 Hello ulit mga kablog. Happy Solemnity of the Body and Blood of Christ! Alam niyo mas ok pang magblog ako after kong magsimba kasi nadadagdagan iyong naishashare ko. I-expect niyo ang blog every Sunday ng gabi ng Pinas. Okidok, hindi ko na kayo sasabikin. Sisimulan ko na. 3 points ulit tayo ngayong week, una ay kaunting paliwanag sa Celebration ng Simbahan ngayon (all idea ay galing kay Fr. Paul), pangalawa ay tungkol sa kalayaan at huli ay kaunting bahagi sa aking kapatid. Maganda iyong kuwento na ibinahagi ng Fr. Paul sa mass. Nag-ipon daw ng pera ang isang mag-anak para makapagcruise. Siyempre kailangan nilang kumain pero dahil nga sapat lang ang pera naisip nilang punuin ng cheese sandwich ang isang maleta nila. Palaging ganoon, maglilibot sa cruise, abutin man ng gutom sa harap ng magarang resto didiretso na lang sa kuwarto at kakain ng cheese sandwich. Hanggang sa hindi na matiis ng isang a...

comment - Holy Spirit blog

Hello sa iyo ulit pinakamamahal naming author! Hello rin sa iyong mga masusugid na mga tagasubaybay. Para bang telenovela na inaabangan naming tuwing linggo yung blogs mo. Hehehe. Tama ka, sobrang bilis nga ng panahon. Hindi natin namamalayan. At katulad ng topic mo ngayon mahal naming author, hindi rin natin namamalayan na nandyan lang palagi ang Holy Spirit. Nakakatuwa naman yung joke mo. Natawa ako dun ha. Ayk. Hehehe. Maganda rin yung homily ng priest ditto about sa HS. Hindi ko alam kung bakit feeling ko nung mga panahon na umattend ako ng mass, ginusto kong sa unahan umupo. Maaga din ako nakaattend ng mass tapos nakapagrosary pa ako. Hindi ko alam na bago pala magstart ang mass, prinepare na ako ng Holy Spirit para sa isang nakakaantig-pusong misa. Hindi ko alam kung papano ko ieexplain kung bakit ako nagandahan. Katulad ng pagpasok ng HS sa atin, misteryo rin ang pagpapaliwanag. Hindi maintindihan. Kaya nga, sa pamamagitan lang ng pagdedescribe ng pakiramdam pwedeng maipaliwanag...