It’s the way how you see your cross…
N aalala ko iyong kinuweto ng Values Education teacher ko back in 4th Year HS. Siyempre iyong version ko ay edited na ha. hehehe Bawat isa ay pinapili ng cross sa isang room at bubuhatin nila papunta sa isang place. Medyo choosy at maarte si Juan kaya inisa-isa niya tapos nakapili rin sya (finally!). Habang buhat-buhat niya, napansin nyang mabigat kaya balik ulit sya sa room inilapag ang una niyang napili at libot ulit para pumili ng kapalit. "Makapili nga nang mas magaan" sabi ni Juan. Nakapili ulit sya at nadala niya nang hindi nabibigatan... Alam niyo bang pareho lang ang una at pangalawa niyang napili? Lesson # 1: Sa buhay natin, nasa iyo kung pano mo iaattack ang cross(es) mo. Kung iisipin mong kaya mo, kaya mo. Kung iisipin mo na hindi mo kaya, tama ka. (nabasa ko to sa Yes You Can!) Palagi tayong may choice at mind setting lang yan I should say. Gaya na lang isang araw paggising ko. Sobrang lakas ng ulan kaya nakakatamad pumasok. Kumanta ako sa isip ko ng This is the d...