Low Point
"I say to you, rise, take up your pallet and go home." Mk. 2:11 Hello mga kablog! Naalaala niyo ba iyong sinabi kong “laptop-centered” sa isang blog? Aba, nawalan nga kami ng connection simula pa Sunday hanggang ngayon. Medyo naapektuhan ako kasi nga talagang nakadepend na ang gabi ko roon pagkatapos naming maghapunan. Mabuti na rin kasi napatunayan kong I will survive kahit walang laptop at naibalik ko pa iyong dati kong ginagawa gaya ng pagbabasa ng libro at pag-aaral ng chess. Yikes, parang nagrereview ulit ng Board. Kakaibang mga habits pero dyan tayo magpofocus this week. Sa ngayon, nagbabasa ako ang book ni Richard Carlson called Don’t Worry, Make Money . Maganda iyong book, basahin niyo rin. Tapos, one day nakabasa rin ako ng blog sa http://www.positivityblog.com/ tungkol sa low point. Dumarating daw sa buhay ng tao ang low point at ang pag-attack sa point na iyon nagkakaiba ang Average at Successful Individual . Ibibigay kong halimbawa ang sarili ko. Alam niyo naman...