Posts

Showing posts from February 21, 2010

Blind Belief = Unheard Voices

And no sooner had he spoken than a cloud appeared and covered them: and the disciples were afraid as they entered the cloud. Luke 9:34 Hello mga kablogs! 2:10pm dito sa gitna ng aking pag-aaral. Kaninang umaga pa ako nakakaisip ng topic pero sabi ko saka ko na gagawin kapag natapos ko na ang pag-aaral ko. Ibig bang sabihin tapos na akong mag-aral? Hindi pa. Sa pagpapahinga ko, nakita ko iyong news about sa Chile. Before pa iyon napanood ko ang video sa Haiti. Pagkatapos ng Chile, patayan sa Mindanao. Haaaaayyyyy. Sabi ko gagawin ko na ang blog ko. Grabe ang mundo. Hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. Ngayong araw (Linggo sa Pinas) rin ooperahan ang tenga ng pinsan ko. Siguro nasa 23 o 24 y/o sya. Isang araw dahil sa isang aksidente sa dagat, bigla na lang siyang hindi nakarinig. Kung dati ay naririnig niya ang huni ng mga ibon, ang ihip ng hangin, ang kulitan ng mga kapatid niya, ang pag-uusap ng mga magulang niya, ang paglalambing ng asawa niya at ang lahat ng tunog sa paligi...

430 - 02202010 - ^ __ ^ 470 - 05032010 - ^____^

Image
"All that you ask for in prayer, believe that you will receive it and it shall be yours." Mk. 11:24 Hello mga kablogs! Kamusta na kayo? Sa totoo lang sa mga oras na ito, masakit ang aking ulo at pakiramdam ko ay pagod na pagod. Gusto ko lang ishare ang experience ko at ang hula ko na maaaring gusto Niyang ituro sa akin sa mga pangyayaring ito. Dahil sa pangambang mawalan ng trabaho noong sinabi sa amin na ikoclose ang J sa Bda, nagdecide akong dagdagan ang aking qualifications. Mas lalo pang pinatibay noong unang received ko ng salary ko na sobrang baba. Sabi ko ang kasagutan sa mga issues na ito ay kapag naipasa ko ang isa sa mga requirements ng maraming job posts. Nag-aral ako simula last October at una kong salang ay noong February 20th. Score ay 430 (passing ay 500). Kaunti na lang sana at nasa Step 2 na ako. Magbabakasyon ako sa Pinas at bibiyahe ako starting May 7 kaya right after nang hindi ko pagpasa, nagdecide ako na i-take ulit agad habang fresh pa sa isipan ko a...