Low point ulit
"He was lifted up, and a cloud took him from their sight." Acts: 1-1-11, Mk. 16:15-20 Hello mga bloggers lalo na sa mga masusugid na tagabasa ng mga blogs. Nakita ko itong quote ni Thomas Edison habang nagbabrowse ako sa net kahapon. Many of life's failures are men who did not realize how close they were to success when they gave up. Biglang pumasok sa isip ko si Carla. Matalik kong kaibigan, isa ring OFW at kagagaling lang din sa bakasyon. Nakakabilib itong kaibigan kong ito. Sobrang optimistic, maraming pangarap at talaga namang napakasipag at matiyaga. Malayo man sa pamilya, masaya siyang namumuhay kasama ang kanyang mga kaibigan sa ibang bansa. Para sa inyong kaalaman, nagtatrabaho siya sa isla, somewhere in Europe. Dahil isla, ang available na pagkain doon ay halos frozen foods kaya hindi sariwa. Ang tubig naman nila ay tubig-ulan din. Nang magbakasyon siyang muli sa Pinas, naenjoy niya ang mga sariwang pagkain, nag-uumapaw na tubig at siyempre ang kanyang pamilya. S...