Posts

Showing posts from June 27, 2010

Pagtulong sa 'di Kaanu-ano

Image
"You believe because you see me, don't you? Happy are those who have not seen and believe." John 21:29 Hello sa lahat! Kailangan kong agapan ang mga blogs ko dahil ilang araw na lang ang natitira para makaboto tayo sa Facebook. Palagi kong nakukuwento sa inyo si Carla. Nakakatuwa iyong kaibigan kong 'yon. Napakamapagbigay kahit walang matira sa kanya. Namana niya ang ugali niya sa Nanay niya, iyong tipong isusubo na lang ibibigay pa sa iba. Naalaala ko iyong experience niya nong College pa lang siya. Engineering ang course, syempre mahirap kaya palagi siyang nag-aaral at halos kaunti lang ang free time. Mayroon siyang kapitbahay na nagpapaturo sa kanya, inabot sila ng hating-gabi. Mapagbigay man ang Nanay niya ngunit dahil nag-aalala sa kalusugan ni Carla, palihim siyang kinakausap at sinasabi sa kanyang "Sabihin mo sa kaibigan mo, sa ibang araw na lang ulit. Matulog ka na. May pasok ka pa bukas. Nagpapakapagod ka wala ka namang makukuha dyan." Nasasabi niy...

Kriscien is the name

Image
Isaiah 49:16 Behold, I have carved you on the palms of My hands Luke 9:59 Follow me Hello mga kablogs! Balik ulit tayo sa Tagalog blogging. Mas madaling mag-express kapag sariling wika. Medyo busy pa rin sa botohan. Nagpapasalamat ako sa mga kaibigang tumutulong sa akin. Pasensya naman sa mga nakukulitan na. Dahil ako ay FB addict, lahat ng mga postings tinitignan ko. Hindi lang ako nagkocomment kaya hindi halata. Kanina, napadaan ako sa page ni Igie Franz. Gumawa siya ng video para sa lolo niyang kamamatay lang. Ito iyong pangalawa kong pamilya, akala nga dati ng iba magkapatid kami ni Emma kasi palagi kaming magkasama noon. Ang pangalan ni Tatay Asiong ay Ignacio tapos si Nanay Franz naman ay Francisca. Kung titignan, iyong pangalan ay makasinaunang panahon pero ang nakakatuwa ay dala-dala noong bunso at apo. Si Nonoy ay Ignacio Jr at si Jing naman ay combination ng Lolo at Lola. Alam niyo bang pangalan ko ay MARIA SHIELA? Jologs ng Maria kaya hindi ko ginamit noong nag-aaral ako. I...