Life's itinerary
Hello friends! I just wanted to share this itinerary. Nakakatuwa lang basahin ulit kasi sobrang detailed pala talaga. Tapos, ngayon lang namin narealize na kaya pala naligaw si SG dahil hindi niya sinunod ang mga nakalagay. Example na lang ay Holiday Inn Atrium, eh nagpunta sa Holiday Inn Orchard. nyahaha. Sinabi rin sa kanya na magsimba sa Novena Church pero ang pinuntahan naman ay Good Shepherd. Siguro lahat tayo ay may itinerary rin sa mundo. Siguro ilan sa sinasabi sa itinerary ko, "Shel, sa 2007 pupunta ka sa Bermuda at sa ibang mga lugar pero hindi ka lang pupunta roon para makakita ng magagandang tanawin. Kailangan mo ring magtouch ng kapuwa mo. Shel, may mga times sa paglalakbay mo ay makakaranas ka ng lungkot at paghihirap. Huwag kang mag-aaalala kasi nakaplano talaga iyon para lalo kang maging matatag. Shel, maliligaw ka rin pero huwag kang mag-aalala kasi may ipapadala akong magiging gabay mo pabalik sa tamang landas. Shel, magkita tayo sa finals ha. Balitaan mo ako......