Living My Life


Hello mga kablogs, next week ko na lang irerelate sa verse, walang bible sa tabi ko ngaun. Sa totoo lang nagbalak akong huminto muna sa blogging kasi parang naramdaman kong tuloy-tuloy isip ko sa kakaisip. Ayk. Tsaka para mamiss niyo rin ang aking mga blogs. Ayaw kong mapalagpas mga realizations ko sa weekend na 'to. Simulang-simula pa lang ng araw, ang dami ko ng natutunan.


- limitado ang buhay


Nagpunta sa SG ang kaibigan ko at super hectic ng schedule niya. Gusto lang talaga niyang mameet ang kabigan niya kaya sinabayan na rin ng trips ang pagdalaw sa SG. Sobrang daming attractions sa SG pero dahil nga limited lang ang araw, pinagplanuhan niyang (with her friend's help) mabuti ang mga dapat puntahan para walang masayang na oras. Minsan sa buhay natin akala natin palagi tayong nasa mundo.


Gusto ko lang pong iremind na may katapusan ang mission natin sa buhay. We don't know kung kailan ang finish line pero dapat nating pahalagahan ang bawat araw.


- kaibigan


Ewan ko kung friendly lang ba talaga siya o mainipin kaya never iyon nawalan ng magiging kakilala habang biyahe. Nakilala niya this time si Ate Gina. Marami syang natutunan syempre pero saka ko na ididiscuss ng mahaba. May mga taong magdaraan sa buhay natin. May matagal, may madali lang pero ang tanong, pinahalagahan ba natin ang pagkakataong ipinagkaloob sa ating makasama sila? Natuto ba tayo sa kanila at may naituro ba tayo sa kanila?


- kasiyahan/pagbabahagi


Dahil kuripot ang aking kaibigan, hindi siya nakipagdeal sa mga travel agency. Tanging ang kaibigan lang niya ang tumulong sa kanyang itinerary. Grabe, kung mababasa niyo lang ang itinerary niya kala mo ginawa ng isang expert. Ang kaibigan niyang ito ay tumira sa SG ng 1 buwan pero maniniwala ba kayong hindi pa siya nagawi sa USS? Hindi pa man niya napupuntahan ang ibang lugar, nagawa pa rin niyang iparanas sa ibang tao ang saya.


Kailan tayo matututong magbahagi ng mga blessings natin? ng mga saya? Mas madaling magbigay kapag mayroon kang ibibigay pero deadma effect ka pa rin. Kaya kapag wala ka talagang ibibgay eh di lalong wala. Gayahin sana natin ang kaibigan niya na gustong magbahagi ng saya kahit nga siya mismo ay hindi niya pa naranasan.


- naligaw ng landas


Dahil hindi naman talaga tour guide ang gumawa ng itinerary niya, may mga kulang na information o kumpleto pero iniskip niya ung steps. Imbes na nakagala nong unang araw, ang naging ending ay umuwi na lang sa bahay dahil naubos na ang oras. Ang nakakatuwa, nakarating pa rin siya sa paroroonan niya at ngayong araw ay napuntahan ang mga namiss kahapon.


Dumarating sa buhay natin na we want to achieve something pero parang naiiba tayo ng landas. It doesn't mean na hindi natin nakuha agad, katapusan na ng mundo. It only means na we need to change directions para makarating sa gusto nating puntahan. Tsaka God is giving us friends na makakagabay sa atin.


- enjoy life


Sobrang nag-enjoy raw siya ngayong araw. Isip siya ng isip kung anong title ng journal niya for this week. Low bat ang cell phone niya at hindi naman makita ang relo kaya nagdaan lang ang oras na hindi niya namamalayan. Mahilig siya sa mga stage shows kaya kahit pagod na pagod na, she patiently waited sa Monster show sa Hollywood. Sobrang nasiyahan daw talaga siya at nagkatotoo na naman ang Law of Attraction because ang finale song ay "LIVE MY LIFE."


Let's enjoy life pero sumusunod pa rin sa mission na ipinagkaloob sa atin.


Ayun lang muna. Walang edit-edit 'to. Pagpasensyahan niyo na. God bless us all.



P.S. - Kung may makakabasang mga nasa SG, kung kakilala niyo sya wala raw talaga siyang kinontak na friends kasi nahihiya siyang mang-istorbo.


Have a blessed week! Happy wedding day Mare!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?