Posts

Showing posts from February 1, 2009

"Chorbita ka talaga" ika ni Jado

Image
Jesus went to her and taking her by the hand, raised her up. The fever left her and she began to wait on them. Mk. 1:31 Hello mga kablog! Mabuti na lang nakaisip ako ng item bago ako natulog kagabi. Sana magustuhan niyo ulit at kapulutan ng aral. Alam niyo bang isa sa mga treasures ko ay ang aking mga friends? Sa lahat ng mapuntahan ko, mapaschool o mapatrabaho palagi akong nakakahanap ng mga kaibigan. Sabi kasi nila madali raw akong pakisamahan. (magbuhat daw ng sariling bangko). Siguro totoo kasi kahit ano pang ugali ng mga nakakasalamuha ko nakakajive ko pa rin. Mapa-matino, mapa-kengkoy, mapa-seryoso, mapa-bata, mapa-matanda at kung anu-ano pa kaya kong pakibagayan. Isa si Jerielle Jade Puyao Dulagan doon na super ang pagkanegative. Pero kahit ganoon marami akong ala-ala with her na dadalhin ko habang ako'y nabubuhay. Naging seatmates kami sa Megaworld Corporation. Siya rin ang kasabay kong maglunch, magmerienda at magdinner kasama sina Ms. Liza, Jayzee at ng iba pa. Katangi-ta...

Bonus Blog

Image
Hello mga kablog! Isang nakakaantok subalit datapuwat napakasayang araw sa inyo. Napuyat ako kagabi sa closing ceremony ng Chess Tournament sa Country Squire, Somerset. Ikukuwento ko ang naging experience ko. Matutupad na rin ang pangarap kong irelate ang chess sa life through this blog. Mayroon akong 4 na natutunan sa Tournament na ito, ang PARK . Pagsubok, Alarm, Reason at Kaibigan. In general, ang larong chess ay para ring pagdedecide sa buhay natin. Dapat pinag-iisipan muna nating mabuti ang lahat bago magdesisyon. Isiping mabuti ang position ng mga pieces saka magmove dahil sa isang pagkakamali lang masisira na ang game. Unahin na nating intindihin ang KAIBIGAN . Dahil sa tournament na ito, mas lalo akong napalapit sa mga kalaro kong sina Kennedy at Kuya Ruben. Si Kennedy ang naghahatid sa akin every Tuesday nights (around 10:30pm) pagkatapos ng laro. Lalo kong naramdaman ang kabutihan niya nang sinundo niya ako nong Sunday. Dahil late ng dumadaan ang bus sa lugar namin kapag holi...

Iba na ang sikat

Image
"And at once his fame spread everywhere throughout all the surrounding region of Galilee." Mk. 1:28 Hello mga kablog! As promised mas maaga ngayong week. Simula kasi Friday ng gabi hanggang Sunday ng gabi makikipagbuno ako. Sumali ako sa 25th Bermuda International Chess Tournament sa ika-400 years ng Bermuda. Swabe no. Dumalo naman ako kagabi sa opening (cocktail party) na kinabilangan din ng mga participants galing sa iba’t-ibang bansa. 2 Grand Masters, 8 International Masters , 2 Fide Masters, mga papunta pa lang sa masters at siyempre ako - master sa sariling paraan. Hehehe. Sobrang saya sa pakiramdam na nakakasalumaha ko ang mga taong sikat sa larangan ng Chess. Lalo akong naiinspire na pagbutihin pa lalo para balang araw maging sikat din ako kagaya nila. At makilala sa buong mundo gaya ng pagkasikat ni Jesus dahil sa Kanyang mga gawa. And at once his fame spread everywhere throughout all the surrounding region of Galilee. Palagi ko ngang tinitignan sa internet ang mga si...

Dreams mean work and praise

Image
"Follow me... they abandoned their nets and followed Him." Mk.1:17-18 Good morning mga kablog! Heto na naman ulit ako para sa isang nangangatok na blog. Isang araw, bigla ko na lang naisip ang sarili ko sa iba't - ibang sets ng mga nadaluhan kong BEC. Naalala ko iyong mga mukha ng mga kabataan na nakasama ko simula noon. Nagsimula ang lahat nang umattend kami ng BEC seminar. Matagal din bago namin napagdesisyunang iapply ang natutunan namin sa aming sariling barkada (Emma, Chat, Kuya Ryan, Memey, ako, Lorein atbp.) Para sa kaalaaman ng iba, ang BEC o bukluran ay pagtitipon ng mga tao at pagbabahaginan tungkol sa pagbasa. Parang ginagawa ko sa blog na kumukuha ako ng phrase sa gospel tapos palalawakin ko through my own experience. Masarap sa pakiramdam kasi nagkukuwentuhan kami pero si God ang nasa center. Ayun nga, doon nagsimula tapos hanggang sa lumaki nang lumaki ang grupo. May mga nawala at may mga nadagdag din. Naaalala ko sa isang batch ng PYM, napag-usapan namin an...

Itanong mo sa mga bata

Image
"Truly I say to you, whoever does not receive the Kingdom of God like a child will not enter it." Mk. 10:15 Magandang umaga sa inyong lahat mga kablog. Kamusta ang nagdaang linggo mo? Ako nagmovie marathon - Ginamit ko ulit ang libreng voucher at nanonood ng Bedtime Stories. Tapos kagabi pinanood ko rin ang The Little Mermaid. Mga pambatang movies, mga simpleng istorya pero kapupulutan ng aral na maiapply kahit matanda na. Kapag natatapat akong magfacilitate sa pagbasa tungkol sa mga batang pinuri ni God ang palagi kong ginagawa ay tanungin ang mga kaBEC ko sa pagkakaiba ng mga ugali ng mga bata sa matatanda. At palagi namang top of the list ang hindi nagtatanim ng galit ang mga bata o madaling magpatawad. Naalaala ko na naman iyong mga pamangkin ko. Isang reunion namin sa Laguna habang nanonood ng High School Musical ang mga oldies sa loob ng bahay, nasa garahe naman ako at nag-oobserve sa mga pamangkin kong naglalaro. Natutuwa ako sa kanila kasi si Shinade hindi pa nakakapa...

Happy Birthday mahal kong Nanay

Image
"You are my Son, the Beloved, the One I have chosen." Mk. 1:11 Isang mapagpalang 2009 mga kablog. Natapos ko na rin iyong The Alchemist. Sobrang ganda. Tungkol iyon sa Personal Legend - pagsearch ng hidden treasure/pagfulfill ng dreams. Kaya nga ako tutuparin ko rin ang mga pangarap ko. Mayroon akong inspirasyon kaya napakagaan ng paglalakbay ko patungo sa tagumpay. Napakablessed ko at ipinagkaloob sa akin si nanay. (uulitin ko ung message ko - 6th secret) Simula nang mag-aral kami hanggang sa magkatrabaho, nakahanda na ang almusal namin with matching cup of coffee. Nakahanda na rin ang mainit na tubig pangligo. Ganyan kami kamahal ni nanay. Lahat ay nakahanda maliban lang sa baon. Kasi uutangin pa niya sa mga co-teachers niya. Kinakapalan niya ang kaniyang mukha para lang masigurado na may pamasahe kami at makakakain nang maayos sa school. Maniniwala ba kayo na nakakaraos kami sa bawat araw ng walang pera ang nanay ko. Kaya nga iyong wallet niya pakalat-kalat kasi walang la...

The Passion of Vission and Secret of Happiness

Image
"... for from you will come a leader, the one who is to shepherd my people Israel." Mt. 2:6 Happy New Year ulit mga kablog! Kamusta ang new year niyo? Sobrang saya ng sa akin. Marami akong ginawa by myself at kasama ng mga kaibigan ko rito. Ang pinakagusto ko ay nong ginamit ko ang gift voucher na natanggap ko sa JPM Christmas party. Bumili ako ng libro, kumain ng tinapay with matching coke at tumambay sa store rin na iyon habang inienjoy ang katapusan ng napakagandang novel ni Mitch Albom entitled Tuesdays with Morrie. Sa ngayon binabasa ko ang First Things First by Covey and Merrills at The Alchemist by Coelho. Naka4 days na ang 2009 pero matanong kita alam mo ba kung ano ang objective mo for this year? Alam mo ba kung ano ang gusto mong mangyari sa sarili mo bilang kapuwa, bilang kaibigan, bilang kaempleyado at bilang kapamilya? Sabi sa First Things First Vision is the best manifestation of creative imagination and the primary motivation of human action. Gaya rin ng sinasa...

Happy New Year!

Image
Hello sa lahat ng nagbasa ng blogs ko ngayong taon. Asahan niyo na mas marami pang blogs sa 2009. Ilang oras na lang iiwanan na natin ang 2008 at sisimulan ang 2009. May kasabihan na kung ano raw ang ginawa mo sa unang araw, ganoon daw ang gagawin mo sa buong taon. Kung ano raw ang mayroon ka sa katawan, magkakaroon ka raw ng marami sa buong taon. Siyempre naniniwala ako. At hinding-hindi ko makakalimutan ang Shiela noon na siguradong dapat may barya sa bulsa. Palagi kong nilalagyan ng barya ang bulsa ko hanggang sa narealize ko na hindi pala pera ang kailangan ko. Higit ko palang kailangan ang strong faith sa Panginoon. Siguro 3 to 5 years ko ng pinalitan ng rosary ang dating barya. Kaya bawat araw ng taon, palagi akong may rosary sa bulsa at nananampalataya na sa lahat ng ginagawa ko kasama ko palagi ang Diyos. Heto rin ang time na magbalik-tanaw sa lahat ng mga blessings na natanggap ko . Sa dinami-dami ng biyayang natanggap ko hindi ko magawang magtampo kapag nalugi ako sa ibang b...

Lolo Jose at ang angkan

Image
"He remembers his covenant forever, his promise to a thousand generations, the covenant he made with Abraham, the promise he swore to Isaac." Ps. 105:8-9 Maligayang paskong muli sa inyong lahat. God is really good, palagi Niya akong ginagabayan. Palagi Niya akong binibigyan ng idea kung paano ako makakapagshare ng cheese story. Lolo ko nga pala sa mother side ang nasa picture tapos may 14 siyang anak. Nakakatuwang makita ang mga pictures ng mga kamag-anak namin sa abelmanibo@yahoo.com friendster account. Habang ginagawa ko iyon, nakaramdam ako ng awa sa iba naming kamag-anak lalo na sa mga wala sa photo albums. Ako at ang iba ko pang pinsan ay nakakapagfriendster samantalang ang iba ay nasa probinsya at nagtatanim ng palay. :_( Naisip ko tuloy kung unfair ba si God. Magkakapareho sila ng tatay at nanay pero hindi pare-pareho ang naging buhay nila ngayon. Naicompare ko tuloy ang sarili naming pamilya sa pamilya nila. Marahil, magkakaiba nga kami ng mga kapatid ko. Matalino at...

Merry Christmas sa inyong lahat!

Image
Ilang oras na lang at pasko na. Yahoo! Binabati ko kayong lahat na naging bahagi ng buhay ko. Parang pang NEW year ung may emote ng kaunti kaya simple lang dito. hehehe. Mga kapamilya ko - Nanay, Tita Deth, Ate Ny, Kuya Bong, AJ, Ying, Kuya Athan, Ate Lhok, Kyle, Kuya Ryan, Ate Bam, Shinade at Memey. mga kaibigan ko sa Pilipinas - NNES Friends, Squatters, Tropapits, MSB, ATT, Abba and Mega pips, sa Dubai - KC, Jade, Dubai, Ms. Mitch, mga classmates ko jan, sa Bermuda at sa iba't-ibang dako ng mundo, hangad ko ang inyong kasiyahan! God bless you at Merry Christmas!

Maghintay ay hindi biro... maghapong naka...

Image
"The Holy Spirit will come upon you and the power of the most High will overshadow you" Lk. 1:35 Hello mga friends! Isang malalim na inhale sa inyo, in short e "haaaaay". Naisahan tayo ng friendster last week kasi nagloko ung blog site nila pero sana kahit ganoon ay nabasa niyo pa rin ang "Simbang gabi" blog. Ang topic natin ngayon ay tungkol sa paghihintay. Bigla lang pumasok sa isip ko ang topic na ito kaya I've decided na paikutin rito ang message at magbahagi ng experience para maintindihan nating lahat ang kasiyahang naidudulot ng paghihintay. Tuwing simbang gabi marami ang nagsisimba at matiyagang naghihintay sa araw ng pasko. Nagagawa pa rin nating gumising ng maaga kahit malamig, kahit pagod na pagod tayo sa pag-aaral/pagtatrabaho at kung anu-ano pang reasons. Dahil pinapangibabaw natin ang dahilan kung bakit natin ginagawa iyon. Naaalaala ko tuloy iyong pagrereview ko para sa Board Exam noon. Sobrang disiplina ang pinairal ko. Gumigising ako n...

Simbang gabi! ang saya-saya!

Image
"Make straight the way of the Lord." - John 1:23 Hello mga kablog! As promised, heto na naman ako para magbigay ng cheese. :-) Bukas pa ng Sunday night ang second Christmas celebration ko rito pero minabuti kong gumawa na ng blog. Check niyo na lang ang mga pictures para makita niyo ang saya sa aking mukha kapiling ang Bda family. "Shel, Shel, Shel, gising na. Bahala ka hindi mo makukumpleto ang simbang gabi." Ganyan ang tawag ng mga kabarkada kong sina Chat/Emma/Baby pati si bunsoy Memey tuwing simbang gabi. Bata pa lang ako pinipilit ko ng makumpleto ang simbang gabi dahil sa paniniwalang kapag nabuo ko iyon igagrant ang aking 3 wishes. Believe it or not, lahat ng mga big and small achievements ko ngayon like mapaakyat ang nanay ko sa stage, makagraduate, makapasa sa Board, magkaroon ng magandang trabaho, healthy and loving family at maraming-marami pang iba ay itinaas ko kay Lord sa simbang gabi. Sa ika-9 na mass, pagkareceive ng communion, nakapikit kong dinada...

Simple and merry

Image
"The Lord does not delay in fulfilling his promise..." 2 Peter 3:9 Wow. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin itong verse na ito ha. Thanks sa Didache sa paghighlight ng verse na ito. Maraming puwedeng piliin sa buhay ni Grace pero sa iba muna tayo bumaling. Merry Christmas!!! Malayo man ako sa aking original family masaya ko pa ring icecelebrate ang pasko dahil ang attitude ng isang positive na tao ay ang ienjoy kung anu-anong meron ka at huwag magfocus sa wala. Kung iisipin palagi ni Nanay na wala ang anak niyang si Shiela sa tabi niya, mababalewala niya sina Nym, Athan, Ryan at Memey. Kaya focus on what you have. Let's examine my 1st Christmas celebration... Nakagawian ng company namin na magChristmas party sa magandang restaurant. Naalala ko noong nakaraang taon, magagara ang mga damit namin, kumpletong meals - appetizer, main dish at dessert, libreng wine at nandoon din sina Catherine Zeta Jones at Michael Douglas. Ngayong taon, matinding pinagplanuhan ng Social Commi...

WATCH bunsoy

Image
"Be alert and watch for you don't know when the time will come." Mk. 13:31 Hello to all my supporters! Another blog na naman from your sister. Sister Shiela! Correct, I am a big sister to bunsoy Memey. Tinatanong ko ang sarili ko sa mga oras na ito: "Naging mabuti ba akong ate sa kapatid ko? Did I look after her? Did I watch her...?" I realized na marami akong time na pinalagpas. DATI kasi, ako ang tipo ng taong sobrang bait sa mga kaibigan pero pagtuntong sa pinto ng bahay tinutubuan na ako ng sungay, sobrang sungit lalo na sa kapatid ko. Palagi kaming nagtatalo ng kapatid kong si Memey. Sabi nga ng nanay ko, huwag daw kaming magsasama kasi siguradong mag-aaway lang kami. Ang weird nga kasi kahit ganoon magkatabi pa rin kaming matulog. Ganyan ang relationship namin dati away-bati-away-bati. Hinding hindi ko makakalimutan iyong away namin nong mga bata pa kami. Nagbatuhan kami ng brush kaya pareho kaming pinalo ni Nanay. Pasaway itong si Memey, akalain niyong ti...

Who moved my cheese?

Image
They, too, ask: 'Lord, when did we see you hungry, thirsty, naked or a stranger, sick or in prison, and did not help you?' Mt. 25:44 Isang malamig na araw sa inyong lahat. Nagsisimula na ang winter dito sa amin kaya palamig na nang palamig. Mas gusto ko sana ang summer season kaya lang hindi naman puwede dahil iyon ang nature ng weather, ang magpalit-palit. Ang nature naman nating mga tao ay ang magstick sa mga bagay na gusto lang natin. Ang tumingin sa mga bagay na gusto lang nating makita. Kung alam ko lang na ang namamalimos sa akin sa Nova Bayan ay si Hesus, siguradong bibigyan ko sya ng masarap na Julies' tinapay. Kung alam ko lang na si Hesus ay nasa TIya kong nangungutang para pambayad ng kuryente nilang mapuputol na, dali-dali kong bubunutin ang malutong kong pera na pinagkatagu-tago ko pa sa aking wallet. Kung alam ko lang na si Hesus ay nasa bawat estudyante ko, mas tuturuan ko pa sila at ituturing na anak. Kung alam ko lang na si Hesus ay katabi ko sa fx, ngingit...

Have fun!

Image
"For to all those who have, more will be given, and they will have an abundance; from those who are unproductive, even what they have will be taken from them." Mt. 25:29 Hello! Hello! Hello! Napakasaya kong makachat nong Saturday (up to 12 mn sa Phil at 12 nn naman sa Bda) ang aking 2 kapatid na sina Ate Nym at Mey. Bigla kong naalala iyong dati na sobrang ate ang tingin namin kay ate. Bukod sa malayo ang agwat ng age namin sobrang strict nya na mas nakakatakot pa kina nanay at tatay. Peace ate. Pinilit nya kami ni Mey na kainin iyong gulay, hindi nya talaga kami tinantanan hanggat hindi namin nauubos. (nakakasuka). Yep... correct... strict sya in a way na makakatulong sa amin. Ngayon, super open na kami sa isa't-isa. Wala na iyong malaking gap kasi... mas matangkad pa kami sa kanya ni Mey kaya para na lang kaming nasa same age. hehehe. Well, hindi pa sina Ate at Mey ang topic ko (abangan niyo yan). Ang topic natin ngayon ay tungkol sa trabaho. Umalis lang ako saglit sa c...

Raise me up

Image
"Destroy this temple and in three days I will raise it up." Jn. 2:19 "Every week akong nagsisimba, iba ang pakiramdam ko kapag nakakapagsimba ako... Palagi Niya akong sinasamahan, iba talaga Siyang kumilos... Tutulungan ko sina Mommy at Daddy... Balang araw magiging manager ako." mga inspiring words ng pinsan ko habang magkachat kami. (not exact words though) Lingid sa kaalaman niya, dati pa lang bilib na ako sa kaniyang sipag at tiyaga. Nag-aaral pa lang ako noon, nagpunta siya sa amin at nagdala ng Forever Living brochure. Bakas na bakas sa mukha niya ang isang kabataang may mataas na pangarap . Naforesee ko na someday this guy will be successful! Sa kabila ng kahirapan, pinilit pa ring makapagkolehiyo ni Bait kaya't nagtrabaho siya sa isang Fast Food Store. Maayos ang lahat nang biglang nagdecide na maghiwalay ang mga magulang niya kaya huminto rin muna siya sa pag-aaral para makapagfocus na makatulong sa mga magulang. Maraming taon ang lumipas at marami na r...

How to Stop Worrying and Start Living

Image
"Come to me, all you who work hard and who carry heavy burdens and I will refresh you. " Mt. 11:28 I will never forget the faces of my enthusiastic officemates as they listened to me in our DISC Team Building Seminar. I was grateful they were interested to hear my stories. (Would you believe na matagal kong kinompose ang 2 sentences na yan?) Ang topic for this week ay related jan. Alam niyo ba na isa sa mga worries ko ang English? As in. Naaalala ko noong nag-aaral pa ako na palagi akong kinakabahan kapag English na ang subject. Naaalala ko rin na halos lahat ng assignments ko re English, simula Elementary hanggang College mapaessay writing, grammar atbp., Nanay ko ang gumagawa (nabuking ako). Tapos, mayroon pa kaming mga English classes nong high school na may E-card na umiikot. Ibibigay sa'yo kapag nagsalita ka ng Tagalog. Kaya ang nangyayari hindi na lang ako nagsasalita. Dahil din sa subject na yan kaya hindi ako naqualified as Laude dahil hindi ako gumawa ng poem (79...

Tara na biyahe tayo, tara na subok tayo!

Image
You shall love the Lord, your God, with all your heart, with all your soul and with all your mind. Mt. 22:37 Hello my dear supporters! Kamusta naman ang week niyo? Sana kasing productive at kasing saya rin ng naging week ko, though hindi pa tapos dahil Sunday morning pa lang dito. Marami pang nakapilang activities gaya ng pagsisimba, pagtambay sa Hamilton park, panonood ng basketball, pagtambay ulit sa isang restaurant sa St. George at ang pilgrimage. Whew. In one day lang yan ha. Sa ngayon, I'm busy doing this blog at itutuloy ko pagbalik mamayang hapon. Ang aking blog for this week ay tungkol sa RISK and THRILL sa buhay. Isa sa mga sinubukan ko this week ay ang pagdrive ng car. Pauwi na kami galing sa pagfishing tapos bigla ko na lang sinabi sa kaibigan naming South African na kung puwede kong idrive iyong kotse nya. Bago ako umupo sa driver's seat 3 beses niyang tinanong, "Are you comfortable?" Walang hesitant na sinagot ko siya ng "Yes, I am comfortable but ...

Maybe so, maybe not

Image
"Therefore, return... to God what is God's." Mt.22:21 Nakakatuwa iyong nabasa kong book ni Richard Carlson entitled "Don't sweat the small stuff..." Gagayahin ko sa pamamagitan ng isang kuwento. Si Grace ay anak ng mag-asawang teacher kaya habang nagmamartsa siya noong Grade 6 graduation nila maraming nagsasabing kaya siya nagkahonor ay dahil sa mga magulang niya. Sabi niya kay God, "Heto na yata ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko, may honor nga ako pero marami namang hindi naniniwala na magaling talaga ako." Sabi ni God sa kaniya maybe so, maybe not. Dahil sa mga bulung-bulungan na iyon, lalo pang nagsikap si Grace para mapatunayan sa lahat na kaya pa rin niyang magkahonor kahit wala ang mga magulang niya sa high school. Nagtapos siya bilang 1st honorobale mention. Sobrang pasalamat siya kay God, "Lord, ito na yata ang pinakamagandang nangyari sa akin? Mapapaakyat ko ang nanay ko sa stage para sabitan ako ng medalya." Sabi na na...

Share a Secret, Spread Success

Iapply sa buhay ang lahat ng nakalagay siguradong ikaw ay magtatagumpay! Mabuhay ang mga Pinay! (pati pinoy)

Higit pa sa Php500. :-)

Image
Many are called but, few are chosen. Mt. 22:14 Sakto itong verse na ito sa text message na nareceive ko last night. Binalita sa akin ng isang PYM ang tungkol sa fatima - pagrorosaryo araw-araw ng mga kabataan sa bawat bahay ng PYM. Sa 50 members ng PYM, wala pang sampu ang regular na umaattend. Mejo nakakalungkot pero ganyan yata talaga sa simula... Catholic Life in the Spirit Seminar (CLSS), isa ito sa mga humubog ng spiritual life ko. Si Nanay ay active sa Charismatic - assignment nilang magrecruit ng mga participants. Kaya, isang araw ginising ako at pinilit umattend ng seminar. Para makalusot, sabi ko kailangan kong tapusin ang mga projects at kailangan kong magreview dahil Finals na. Sabi nya, "Alam mo ba Shiela na si God ang nag-iimbita sa'yo? Ako lang ang instrument nya para masabi han ka." Para mas maconvince ako inalok nya ako ng Php 500.00, bibigyan daw nya ako ng pera kapag natapos ko ang seminar. Whew! Instant money, aattend lang ng seminar tapos may pera na ...

Huling tilaok ng manok

Image
"Make me a channel of peace." St. Francis de Assisi Ang gospel ay tungkol sa may-ari ng vineyard na nagpunta sa malayong lugar at ipinagkatiwala sa mga trabahador ang property nya. Kaya, ang main point ng homily ni Fr. Paul ay tungkol sa stewardship. Sabi nya holder lang daw tayo ng susi pero ang properties ay pag-aari ni God. Minsan kasi akala natin tayo na ang owner dahil tayo ang tagapangalaga. Sounds familiar? Yep. Kapareho ito ng sinasabi ng Treasure Principle kaya para sa mga nakabasa na non irecall niyo at para sa mga bago kong readers (hahaha. that's the spirit Shiel) please read The Treasure Principle blog. Ate Shel, ano namang connection ng manok chenes? hehehe. Let's connect... Naging topic namin ang manok noong isang gabi. Alam niyo bang isang province sa Pilipinas ang may kaugalian sa pagpatay ng manok - gigilikan tapos susunugin pa (pinikpikan). Nakakaawa kung iisipin. Sabi ng isa, " iyon kasi ang purpose nila sa mundo - mabuhay para makain ng mga ...

Gising na. Buksan ang mga mata...

Image
For John came to show you the way of goodness... Mt. 8:32 Lam niyo ba Thursday pa lang naeexcite na akong gumawa ng blog? hehehe. Pero hinihintay ko muna ang homily ng parish priest para makadagdag sa ishishare ko. Kapag nagsisimba ako, pumipikit ako para mafeel ko lahat ng message ni God. Kanina sa simbahan, nakapikit ako pero nakaidlip na pala ako. Bog! Narealize ko tuloy na marami tayong namimiss kapag hindi natin binubuksan ang mga mata, tenga, isip at puso natin. Gising Shiela! Buksan ang mga mata! Marami sa ating hindi pa nakakaalam kung anu-ano ang mga puwede nating maachieve sa buhay dahil hindi natin nilalawakan ang territory natin. Kagaya ko, akala ko dati maganda na ang bahay namin sa BARANGAY Capri. Dahil ang mga nakikita kong bahay ay mga maliliit, gawa sa kahoy, sira-sirang bubong, tagpi-tagping dingding kaya feeling ko MAYAMAN na kami. Puwede naman pala akong tumira sa Amparo SUBDIVISION kung gugustuhin ko. Akala ko ang pinakamagandang high school ay Novaliches High Scho...

The Treasure Principle

Image
Salamat sa nagcomment (kilala mo na kung sino ka). hehehe. Saktung-sakto kasi gagawa ulit ako ng blog. Nakakadagdag inspirasyon kapag may nagkocomment. Thanks Jenny Arungay. The Treasure Principle by Randy ALcon... katatapos ko lang basahin kanina. Nakakatuwa kasi related sa Gospel ngayon tungkol kay God as generous. Pinasahod Nya ang mga vineyard workers, mga magkakaibang oras nagsimulang magtrabaho pero pare-pareho ng sinahod kaya sabi ng iba unfair daw. Sabi naman ni God: "Don't I have the right to do as I please with my money?..." Sa book naman, ang pinakanakastruck sa akin ay: "We are the MANAGERS of the assets God has entrusted - NOT GIVEN - to us" Mayroon akong Accounting teacher na sobrang galing at sobrang tiyaga sa pagtuturo. Magaling din syang mang-encourage ng mga students. After 1 o 2 years nagdecide din syang iwanan ang academe. Hindi ako makapaniwala na pinigilan ko sya at sinabi ko na ipagpatuloy pa rin nya ang pagtuturo. Sabi nya, matagal na ra...

BEC September 6, 2008 - Enong as facilitator

Image
(message from Enong) te...e2 poh ung pagshasharean... Magbigay ng pangyayari sa buhay na naramdaman mong kasama mo si God sa katauhan ng isang taong malapit sa'yo na syang naging instrument ni God para masolve mo ang problem na kinaharap mo. w8 ko po ung sharing mo pra ma2ya....' yngatkahpohjanfalague' Hello again my readers. (mangarap ba raw na may mga readers ng blogs ko. hehehe) First of all, nagpapasalamat ako kay Alvhin at Ednor sa pag-invite sa amin ni Casey na sumali sa BEC nila. O diba, all the way from Bermuda at Dubai ang mga sharers. hehehe. Oki, back to the topic... isang pangyayari sa buhay kong naramdaman kong kasama ko si God sa pamamagitan ng isang taong malapit sa buhay... Isang downfall ng buhay ko ay noong year 199?. Dinapuan ako ng sakit na PARANOIA at INFERIORITY COMPLEX. Ngayon ko naiintindihan kung bakit kailangan kong pagdaanan ang mga ganong bagay kasi mas lalo akong naging close kay God. Kung ano ang personality ko ngayon, hindi mo papaniwalaan na ...