Raise me up
"Destroy this temple and in three days I will raise it up." Jn. 2:19
"Every week akong nagsisimba, iba ang pakiramdam ko kapag nakakapagsimba ako... Palagi Niya akong sinasamahan, iba talaga Siyang kumilos... Tutulungan ko sina Mommy at Daddy... Balang araw magiging manager ako." mga inspiring words ng pinsan ko habang magkachat kami. (not exact words though)
Lingid sa kaalaman niya, dati pa lang bilib na ako sa kaniyang sipag at tiyaga. Nag-aaral pa lang ako noon, nagpunta siya sa amin at nagdala ng Forever Living brochure. Bakas na bakas sa mukha niya ang isang kabataang may mataas na pangarap. Naforesee ko na someday this guy will be successful!
Sa kabila ng kahirapan, pinilit pa ring makapagkolehiyo ni Bait kaya't nagtrabaho siya sa isang Fast Food Store. Maayos ang lahat nang biglang nagdecide na maghiwalay ang mga magulang niya kaya huminto rin muna siya sa pag-aaral para makapagfocus na makatulong sa mga magulang. Maraming taon ang lumipas at marami na ring mga nangyari. Isang araw, natuwa na lang ako sa text message niya na nanghihiram ng Accounting book dahil bumalik na pala ulit siya sa pag-aaral. Nagtatrabaho siya sa computer shop tuwing umaga at pumapasok naman sa hapon. Hindi sapat ang kinikita niya sa computer shop na iyon kaya naghanap siya ng ibang paraan para matustusan ang pag-aaral. Napakabuti talaga ng Panginoon sa kaniya at talagang palagi siyang sinasamahan kaya nagrant siya ng scholarship sa kanilang lugar. Sa hindi na naman inaasahang pangyayari ng huling taon niya sa pag-aaral nagkaroon ng problema ang scholarship foundation. Ibang kumilos ang Panginoon kaya nalampasang muli ni Bait ang pagsubok na iyon. Kapag kailangan niya ng assistance maraming willing na tumulong sa kaniya. It's a realization na kapag mabuti ang ating hangarin at kapag malapit tayo sa Panginoon, palagi Niya tayong itatayo at ibabangon. He will raise us up! Kung ang objective ni Bait na makapagtapos ng pag-aaral ay para sa sarili lang niya marahil hindi siya biniyayaan ng Diyos. In addition to that, kailangan ding magsipag at magtiyaga, isipin mo rin palagi ang objective mo at be connected to your intention para kahit anong pagsubok ang dumating palagi kang babangon at magpapatuloy. bow!
Para sa inyong kaalaman, ito na ang huling semester niya at gagraduate siya sa edad na 27. Isang mabuting halimbawa para sa lahat ng mga kabataan na nagstruggle sa kanilang pag-aaral. Isang mabuting halimbawa para sa iba ko pang mga pinsan.
Kung anuman ang mga tinatamasa mong biyaya sa ngayon gaya ng scholarship, trabaho, pamilyang gumagabay, gf/bf na umaakay, mga kaibigang nagpapasaya at higit sa lahat ang buhay, sa palagay mo ba He will raise you up kung halimbawang mawala iyon?
P.S. Salamat sa alarm ng cellphone ko. Thank God at buhay pa ako! Kakaibang bangungot ang naranasan ko kanina, dati naman kapag ginalaw ko na ang daliri ko nagigising na ako, sinubukan ko pero hindi tumalab. Kung anu-ano ng naglaro sa isip ko at nananalangin na sana magising pa ako. Biglang nag-alarm ang phone at ang tugtog ay Seek Ye Firt the Kingdom of God.... hmmm. marahil marami pa akong mission, marami pang 4s projects, marami pang AG projects...
AG - Alagad ni God! Alaga ko Gagabayan ko! 2nd week in the making. Join me. Join us. Spread God's love. zesto at rebisco namin diyan. hehehe. For more info re AG please check my profile - about me.
Supporters, pasok.
Comments