Proud Akong Lumaki sa Barangay Capri Part 1
Speech ko nong PALSC 1 Bago ko simulan ang maikling kuwento ng isa sa mga unforgettable experiences ko patungkol sa gabing ito, pasasalamatan ko muna ang lahat ng sumuporta para sa ikakatagumpay ng gabing ito lalung-lalo na ang DVDB Dok Juner Creencia, Vin Caminong, Da Samoranos at Bok Manibo, salamat din sa suporta ng Barangay Council at kay Doc Cesar Dalida na syang nag-trigger ng gabing ito at ang iba't-ibang youth organizations sa Capri. Kung babanggitin ko ang mga pangalan nila mawawalan na ng sasabihin ang magkoclosing remarks kaya mamaya na lang natin sila kikilalaning mabuti. Noong nag-aaral pa lang ako, batid ko na ang kahirapan ni Nanay para lang mapagtapos kami sa kolehiyo at mabigyan ng magandang buhay. Isa lang ang pinapaniwalaan kong paraan noon para kahit paano'y makabawi ako sa mga paghihirap niya - ang mag-aral nang mabuti para mabigyan siya ng mataas na marka at mapaakyat sa stage para sabitan kami ng medalya. Sa awa naman ng Diyos, ...