Posts

Showing posts with the label Share a Secret Spread Success

OH MY BLOG - 2011 version

Image
Hello mga kaibigan sa FB, mga followers ng blogs ko at sa lahat ng makakabasa nito. Kung anuman ang pinapagdaanan ko ngayon sa aking career, ito ay kapareho noong 2009 at 2010. Hindi ko makakalimutan iyong 2009 kasi sobrang kaba ko kaya nakapagblog ako ng tungkol sa pangarap kong scholarship foundation. Babalitaan ko na lang kayo kung anong mangyayari ngayong 2011 dahil kahit ako hindi ko pa rin alam. Pakisama na rin ako sa prayers niyo. Simula ng blog na iyon, nagsimula lang kami sa ZERO balance at ngayon ay may Php80,000+ na kami galing sa mga kaibigan ko from previous companies, mga kaibigang nakilala sa aking paglalakbay, mga kaklase at mga nakilala sa FB. Isa kong pangarap ay makapagpublish ng book pero busy pa ang aking editor kaya malamang mananatili pa ring pangarap iyon. hehe. Nahiligan ko kasi talagang magblog na my week will not be complete kapag hindi ako nakapagblog. Tapos, I heard puwedeng pagkakakitaan ang blogging kaya naisip ko bakit hindi ko alamin para n...

SPELL TIRED AND BLESSED

Hello mga kablogs! Sobrang pagod na pagod ako. Pa'no ba naman hindi ako nakatulog kagabi. Ay hindi pala ako natulog. Nagtake ako ng exam kahapon. Joke joke lang iyon kasi nga hindi naman ako prepared. Tinake ko lang kasi sayang naman dahil hindi ko rin marerefund iyong binayad ko. Better to take it para magkaidea kapag nagtake ako ng totoo. Ewan ko ba at iba na talaga ang effect sa akin ng exam ngayon. Kahit hindi ko na sineryoso, sineryoso naman ako at hanggang madaling araw iniisip ko pa rin. Ayay! Isa lang naman ang dahilan ko why I want to pass that exam - gusto kong maging stable ang trabaho ko para makatulong sa mga nangangailangan. Naks ha. Pero, totoo 'yan. Akala ng maraming tao ang dami-dami kong pera. Na isang hiling lang nila may paghuhugutan ako. Ayk. Kung alam niyo lang marami rin akong utang. Kahit saktuhan lang ang pera ko hindi talaga mawala sa akin iyong pagbahagi ng blessings sa iba lalo na sa mga hindi ko kapamilya/kamag-anak. Kaya nga nabuo ang SHARE A SECRE...

Special Blog Edition 2 of 2

Image
He takes but He will give them back to you in unexpected ways. gawa-gawa ni SMC. Hello mga kablogs! Sana nabasa niyo iyong una kong blog. Special iyon pati ito. Iyong quote sa taas hindi ko alam kung paano ikoconstruct iyong sentence pero nandyan naman iyong thought. hehe. Sisimulan ko na ang aking 2 of 2 Special Edition blog... October 2010 ay panahon ng paghuhukay sa kasuluk-sulukan ng aking mga bulsa para maghanap ng pera. hehe. Simula nang malipat ako sa Cincinnati, Ohio sobrang liit na ng kinikita ko. Ang laki-laki naman kasi ng tax kaya kung sa gipit ang pag-uusapan, ako po'y gipit sa pananalapi. May natanggap akong statement last week at kailangan ko raw magbayad ng $225.00 (almost Php10,000). Eh, pambayad ko na iyon sa isa sa mga pinaghahandaan ko e. Tumawag ako sa insurance at sa clinic para sana mawaive iyong charge pero sobrang pilit sila na kailangan ko raw bayaran iyon kasi hindi ko ginawa ang dapat kong gawin. Ang nangyari kasi, nagpreventive visit ako noong Nov. 200...

Be Walastik Part 2

Image
"For the sake of ten good people, I will not destroy Sodom." Gen. 18:32 Hello mga kablogs! Sabi ko matutulog ako ng maaga ngayon, mukhang uumagahin na naman. hehehe. Hindi talaga kumpleto ang aking week kapag walang blog. Kahit isa lang ang nagbabasa ng blog ko, tuloy pa rin. May mga ideas na kahapon pa lang kaya lang ang hirap ng pagsama-samahin kapag exhausted na. Bahala na si Batman... Si Carla na lang ikukuwento ko para madali. "6 lang sa inyo ang papasa!" sabi ng professor nya sa PRAC2. Hindi ko na maalaala iyong kuwento niya sa iba pang sinabi ng prof niya basta sabi niya buti na lang isa siya sa anim pero sinabi rin niya na siguro iyong mga kaklase niya galit na galit sa prof na iyon o iyong iba naman ay nagising at nag-aral nang mas mabuti para mapatunayan sa prof na hindi totoo ang sinasabi niya. Ang naging resulta ay ilan nga lang ang nakapasa sa batch nila. Sa pagninilay-nilay ko, kahit ganoon pala katerror iyong prof na iyon, nakakatuwa pa rin kasi kahit...

Add as a Friend

Image
Come Holy Spirit I Need You! Hello to all my friends, relatives, family especially to all the readers of my blogs. I started my blog by writing Come Holy Spirit because that's what I need now. I don't have good sleep yet since I started commiting myself to support another foundation. That is also applicable because this will be my first time to write my blog in English. I am one of the founders of recent launched scholarship foundation in the Philippines called 4S (Share A Secret Spread Success). I'm not a type of person who will ask help from my friends for any financial assistance or any help. So what I am doing to invite them indirectly is to write blogs, post pictures and encouraging words on my page almost everyday. And I'm very thankful when someone will respond. Having scholarship foundation is not easy. You have to ensure that you have enough money to fund all the expenses of the students. (We only have two right now). Also, there are many youths who want to be...

4S Launching

Simula pa lang iyang napanood ninyo. Bago tayo magpatuloy, kailangang ma-acknowledge ko muna ang lahat ng mga naglaan ng oras para lang makapunta rito – ang mga taong naging part na ng aking buhay simula noon hanggang ngayon. Unang una na ay ang Parish Youth Ministry na halos pagbuhusan ko ng aking time noong hindi pa ako nagtatrabaho sa ibang bansa. Sumunod dyan ay ang aking mga kamag-anak at mga kapit-bahay na itinuring ko ng aking pangalawang pamilya. Syempre, narito rin ngayong gabi ang mga kaklase ko sa elementary at HS. Papahuli ba naman ang mga nakasama ko sa trabaho (Nalate ang mga Megapips). Narito rin ang mga naging teachers ko sa paaralang ito. Higit sa lahat ay kapiling din natin ngayon ang aking pamilya na palaging nakasuporta sa aking mga plano. Sa iba pang mga kaibigan, sa inyong lahat ISANG MAGANDANG GABI. Tunay pong napakahalaga sa akin ng gabing ito. Sino ba namang mag-aakala na ang isang mahiyaing Shiela ay nasa harapan ninyo ngayon, may hawak-hawak na microphon...

Untitled. Sleepy

Leave it one more year... if it doesn't, you can cut it down. Luke 13 Hello mga kablogs! Medyo nalate ang blog ko ngayon. Dahil late night na rin dito, iiksian ko lang para makatulog ako bago mag-12. Paghahaluin ko ang blog ngayon sa pagbasang The Prodigal Son at itong pagbasa ngayon about sa figs on the tree. Naramdaman mo na ba kahit minsan iyong parang may kinikilingan ka? Ayan iyong homily ni Fr. sa misa noong isang araw. Mayroon daw nanay na may labing-apat na anak tapos tinanong siya ng isang kabataan kung may favorite raw sya sa mga anak nya. Ang sagot daw ng nanay ay OO. Mas minamahal daw niya iyong mas nangangailangan ng pagmamahal. Naalaala ko tuloy iyong commercial dati (can't recall iyong product). Top 1 iyong panganay sa klase tapos nakapasa naman iyong bunso. Mas narecognize pa ng mga magulang iyong nakapasa kaysa sa Top 1. Bakit nagkaganun? Dahil ang panganay ay likas na palang matalino at iyong bunso naman ay special child. Sa buhay ng kaibigan ko nakaranas ...

STARS

Image
"The Spirit of the Lord is upon me. He has anointed me to bring good news to the poor, to proclaim liberty to captives and new sight to the blind; to free the oppressed and announce the Lord's year of mercy." Lk. 4:18-19 '"Today these prophetic words come true even as you listen." Lk. 4:21 Hello mga kablog! 10:24pm Saturday Cinci time. I was contemplating kung gagawin ko ba iyong project ko, matutulog na ba o magbablog. Nanalo ang pagbablog kaya heto na kahit kumikirot na ang aking ulo. Paawa effect yan. Napansin niyo ba iyong mga posts ko sa FB? Pinanood ko kasi iyong movie entitled Knight's Tale at talagang nainspire akong lalo sa kuwento. Ang tindi kasi ng paniniwala nong bida na mababago niya ang kanyang kapalaran. Pinag-igihan niyang mabuti para matupad ang pangarap niya at pangarap din ng tatay niya for him. Touched nga ako sa isang scene kasi sabi nya "I'm afraid" tapos sabi nong Tatay "Just follow your feet." Sino nga ba ...

How to join 4s

"Give, and it will be given to you. Good measure, pressed down, shaken together, running over, will be put into your lap." Lk 6:38 Hello mga kablogs! Wala sa hulog ang blog ko ngayon. Maibibilang ko ito isa sa mga instant blogs ko. Mayroon na kasing bank account ang 4s! Ibig sabihin umuusad na. Ang gagaling kasi ng mga CORE members kaya sumusulong na talaga ang 4s. Ate Shel, para saan naman 'tong instant blog mo? Kapansin-pansin na maraming interesadong makiisa sa 4s project kaya lang iniisip ng marami na ang puwede lang sumali ay ang mga may LABIS - labis na pera. Para sa inyong kaalaman lahat tayo ay may mga labis isa o higit pa sa 3 TS - TIME, TALENT and TREASURE. Marahil hindi ako pinanganak na mayaman pero marami naman akong TIME para makapagbahagi ng aking mga experiences through blogs. Ang ibig kong iparating ay lahat tayo ay puwedeng sumali. Magkakaroon tayo ng 3 groups bukod sa CORE group: Time group - ang grupong ito ay naka-assign na maglaan ng ilang...

give me 5!

"Truly I say to you, this poor widow put in more than all those who gave offerings." Mt. 43 Hello mga kablogs! 12:45 rito. 12:45 ng madaling araw. hehehe. Katatapos ko lang kasing gawin iyong video na matagal ko nang gustong gawin. Oks naman at sana mapanood niyo. Hindi talaga kumpleto ang week ko kapag walang blog kaya heto na at para makatulog na rin ako. Oo nga pala, maganda ulit ang sharing ng isang blogger kaya kung ako sa inyo babasahin ko rin iyon. Pagbukas ko kanina ng email ko, bumungad sa akin ang mga sponsors na magpepledge ng Php25, Php50, Php100 at Php500 every month. Grabe nakakatuwa talaga. Nakakataba ng puso at naisip ko agad na ipagdasal iyong mga taong iyon. Iyong pakiramdam na sana magawan ko sila ng pabor o iyong desire na sana matupad iyong mga wishes nila. Nagegets niyo ba ang ibig kong sabihin? Hmmm. Parang bigla tuloy akong napaisip na siguro ganoon din si Lord kapag nasosobrahan Sya sa saya. hehehe. Igagrant Niya iyong mga requests ng mg...

magSimula na Tayo

“But it shall not be so among you. Rather, whoever wishes to be great among you will be your servant; whoever wishes to be first among you will be the slave of all. For the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his life as ransom for many.” – Mark 11:43-45 Salamat sa sharer. Mabuti na lang at muli kang nagbalik. Dumaraan sa low point ang batang ito kaya nawala sya. Dahil malalagpasan nyang muli ang low point nya, back to sharing na ulit. Kamusta kayo? Ako heto, irritated sa rashes na hindi ko alam kung saan ko na naman nakuha. Bukod pa diyan ay puro cuts ang mga daliri ko, dagdagan pa ng masakit na bangag paggising kaninang umaga. Worst pa ay ang paycheck na sobrang baba kumpara sa dati kong kinikita. Bumaba ang net pay pero pareho pa rin ang expenses. Haaay. Help me Lord. Ilang ulit kong kinuwenta ang expenses ko sa kikitain ko at talaga nga namang nakakapanlumo. Iniisip kong bawasan lahat ng 20% ang lahat ng budget pero hindi ko magawa kaya Bahala...

Sunoooooooooog!

Image
"For you, one thing is lacking. Go, sell what you have and give money to the poor, and you will have riches in heaven. Then come and follow me." "It is easier for a camel to go through the eye of a needle than for one who is rich to enter the kingdom of God." Hello mga kablogs! Sana nag-eenjoy kayo sa mabilis na takbo ng mga araw. Napansin niyo ba iyon? Next week kalahati na ng buwan. 1:30pm ditto sa amin, Oct. 10 ...(biglang tumunog ang fire alarm.) Oct. 11, 2009 7:14 - dapat kahapon ko pa natapos kung hindi lang tumunog iyong fire alarm. Minsan may mga bagay na nangyayari around me para mabigyang focus ang blog. Sobrang lakas ng tunog, talagang ma-aalarm ang mga residents ng apartment. Hindi ko alam kung may nagkamali lang na pumindot o talagang may sunog. Syempre medyo nagpanic din ako tapos inisip ko kung anu-anong mga mahahalagang gamit ang dapat kong dalhin. Ang nadala ko ay 2 cell phones-roaming/local at wallet with debit card, credit card at kaun...

UNTITLED

"So they are no longer two but one flesh. Therefore what God has joined together, no human being must separate." Hello mga kablog! Oct. 3 7:45pm Chinchy time; Oct. 3 8:45pm at Oct. 4 7:45am Pinas. Feast ulit ni St. Francis de Assissi. Remember iyong song na "Make Me A Channel of Peace." Sa dinami-dami ng pagbasang maaaring matapat sa linggong ito natapat pa ang tungkol sa pag-aasawa na wala akong kaalam-alam. Wala raw? hehehe. Wala akong experience pero nagkakaroon ako ng clues sa pamamagitan ng mga tao sa paligid ko. Sabi nga nila sa buhay pag-aasawa matutunan ang higit na lesson ng buhay. Sa mga nag-struggle sa buhay may-asawa, palagi niyo na lang sigurong tandaan iyong vows niyo nong ikinasal kayo at kung may mga problemang darating magkasama niyong harapin para happy pa rin ang ending. Para sa mga nalilihis ng landas, open your eyes kasi baka you are still turning left, turn right na pala ang sign. Tandaan mo rin na hindi lahat ng roads ay may U-turns...

Just do it! Join us!

Image
"What shall we do? What are the works that God wants us to do?" Jn. 6:28 "I am the bread of life,whoever comes to me shall never be hungry,and whoever believes in me shall never be thirsty." Jn. 6:35 Hello again mga masusugid kong tagabasa. Sana nga nagbabasa kayo. hehehe. Sunday na naman ng 5:30 kaya heto na naman ako at pilit pinipiga ang isip kong puyat na puyat para lang makapagbigay ng inspiration. Dumarating talaga sa point na parang ang hirap magcompose ng blog. Hmmm. Parang mali ha. Dumarating talaga sa point na parang ang hirap magcompose ng blog kapag sa sarili ko lang nanggagaling ang message. Nakalimutan kong kapag nagsimula na pala akong magtype Holy Spirit na ang gumagabay. Let's start. Medyo nasa mode pa ako ng 4s kaya imemention ko ulit dito ha para sa iba na ngayon lang makakabasa. Sinimulan kong i-inform last week ang aking mga kaibigan through FS at FB tungkol sa 4s project - Share a Secret Spread Success. Maraming salamat sa lahat ng nag-resp...

Labis = Lapis

Image
"Two hundred silver coins would not buy enough bread for each of them to have a piece." Jn. 6:7 Hello mga kablogs! alas-4 ng madaling araw nang bumangon ako kanina. Sobrang excited akong maipost ang blog na ito... Simulan na natin. Maraming salamat nga pala sa lahat ng nagdasal para sa akin. God answered our prayers. Salamat ulit. Si Carla OK na rin daw sa trabaho niya. Nakakatuwa ngang kumilos si God sa buhay niya e. Matagal na ring nasa abroad si Carla at dikit din kay Lord. Kung pananampalataya ang pag-uusapan talagang matibay ang pananampalataya niya at lalo pang na-test ng sitwasyong ito. Sabi niya alam talaga ni Lord ang bawat istorya ng buhay natin. He knows everything. Kailangan lang daw isurrender ang lahat sa Panginoon at kapag sinurrender mo na just believe - let go and let God. Napatunayan ko ring malaki ang naitulong ng sama-samang panalangin sa lahat ng answered prayers ko. Halos lahat ng mga kaibigan ko ay talagang nagdasal kaya nga sabi ni Nanay nakulitan na s...

Gising na. Buksan ang mga mata...

Image
For John came to show you the way of goodness... Mt. 8:32 Lam niyo ba Thursday pa lang naeexcite na akong gumawa ng blog? hehehe. Pero hinihintay ko muna ang homily ng parish priest para makadagdag sa ishishare ko. Kapag nagsisimba ako, pumipikit ako para mafeel ko lahat ng message ni God. Kanina sa simbahan, nakapikit ako pero nakaidlip na pala ako. Bog! Narealize ko tuloy na marami tayong namimiss kapag hindi natin binubuksan ang mga mata, tenga, isip at puso natin. Gising Shiela! Buksan ang mga mata! Marami sa ating hindi pa nakakaalam kung anu-ano ang mga puwede nating maachieve sa buhay dahil hindi natin nilalawakan ang territory natin. Kagaya ko, akala ko dati maganda na ang bahay namin sa BARANGAY Capri. Dahil ang mga nakikita kong bahay ay mga maliliit, gawa sa kahoy, sira-sirang bubong, tagpi-tagping dingding kaya feeling ko MAYAMAN na kami. Puwede naman pala akong tumira sa Amparo SUBDIVISION kung gugustuhin ko. Akala ko ang pinakamagandang high school ay Novaliches High Scho...