Gising na. Buksan ang mga mata...



For John came to show you the way of goodness... Mt. 8:32


Lam niyo ba Thursday pa lang naeexcite na akong gumawa ng blog? hehehe. Pero hinihintay ko muna ang homily ng parish priest para makadagdag sa ishishare ko. Kapag nagsisimba ako, pumipikit ako para mafeel ko lahat ng message ni God. Kanina sa simbahan, nakapikit ako pero nakaidlip na pala ako. Bog! Narealize ko tuloy na marami tayong namimiss kapag hindi natin binubuksan ang mga mata, tenga, isip at puso natin. Gising Shiela! Buksan ang mga mata!



Marami sa ating hindi pa nakakaalam kung anu-ano ang mga puwede nating maachieve sa buhay dahil hindi natin nilalawakan ang territory natin. Kagaya ko, akala ko dati maganda na ang bahay namin sa BARANGAY Capri. Dahil ang mga nakikita kong bahay ay mga maliliit, gawa sa kahoy, sira-sirang bubong, tagpi-tagping dingding kaya feeling ko MAYAMAN na kami. Puwede naman pala akong tumira sa Amparo SUBDIVISION kung gugustuhin ko. Akala ko ang pinakamagandang high school ay Novaliches High School kaya iyon lang ang tinignan ko, iyon lang ang tinarget ko. Hindi ako aware na mayroon palang Quezon City/Manila/Philippine Science High School. Kung alam ko lang eh di sana tinaasan ko ang pangarap ko. Makapasa man ako o hindi at least tinaasan ko sana ang pangarap ko at maaaring nakapasa ako.

Kanina sa parokya namin idinaos ng Parish Youth Ministry Officers sa pangunguna ni Casey at Bok at idaraos naman sa C. Compound sa pangunguna ni Mey ang "Sino ka, Nasaan ka at Ano ang ginagawa mo sa October 2013?" art activity. Basically, mag-iimagine ang participants ng kung ano ang gusto nilang mangyari sa buhay nila after 5 years at ieexpress nila sa pamamagitan ng art (cut-out pictures, drawing etc.). Hindi ko pa alam kung anu-ano ang mga ginawa nila pero kung anuman iyon, naniniwala ako na kaya nilang maachieve iyon kung magtitiwala sila sa sarili nila at mananampalataya sa Diyos. Para sa mga participants, ngayong alam niyo na puwede niyong iENLARGE ANG VISION nyo, na puwede kayong tumira sa Subdivision, na puwede kayong makapag-aral kahit mahirap lang, na maipapasyal niyo ang pamilya niyo sa Glorietta (hindi lang sa Nova Mall) basta buo ang iyong loob at hindi tulog nang tulog marerealize ang mga pangarap na nilagay niyo at puwede niyo pang taasan.

Bible connect...

Sa dalawang magkapatid na inutusan, ang isa ay nagsabi ng HINDI pero sinunod nya ang utos at ang isa naman ay nagsabi ng OO pero hindi sinunod ang utos. Sino ka sa 2? Nangangarap ka ngayon pero willing ka bang gawin ang lahat para matupad mo ang pangarap mo? O, nangangarap ka lang sa panaginip mo. Gising na. Buksan ang mga mata for He showed the way to goodness, He showed the way to happiness.

Bow. :-)


Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?