Posts

Showing posts with the label faith

sleepppyyyy

Image
"I am the resurrection; whoever believes in me, though he die, shall live. Whoever lives and believes in me will never die. Do you believe this?" Jn.11:25-26 Hello mga kablogs. Sobrang nakakaantok. Sana makabawi ako ng sleep ngayon para handang-handa next week. Dahil kailangan kong bumawi ng tulog, ang blog ko ngayon ay hango sa experience ng isa sa mga matatalik kong kaibigan. Sa hinaba-haba ng preparation niya para makapagmigrate sa Canada, pinagpagpala pa rin siyang magkaroon ng visa. Pero pagdating sa Canada, nahirapan siyang maghanap ng trabaho. Nangyari na rin sa akin ang ganitong eksena noong 2009 pero mahirap ipaliwanag sa iba na palaging may dahilan si Lord sa lahat ng nangyayari sa atin. Pinilit ko talagang makachat siya para kahit paano ay mapagaan ko ang loob. Siyempre, ang pagpapagaan ng loob niya ay sinamahan ko ng mataimtim na panalangin. Tignan natin ang mga naging usapan namin. ---------------------------------------------------------------------------------...

blog ULIT

"If you have faith even the size of a mustard seed, you may say to this tree: 'Be uprooted and plant yourself in the sea,' and it will obey you." Lk. 17:6 See, I am sending an Angel before you to keep you safe on the way and bring you to the place I have made ready. Ex. 23:20 Hello mga kablogs! Grabe, ang tagal ko ring hindi nagblog. Kaya ko naman pinagpaliban ang blogging kasi nga hindi ako napapakali kapag hindi ko nasusulat(type) ang mga tumatakbo sa isip ko. Kagaya ngayon, ala-una pa lang pero hindi na ako makatulog ulit kaya sabi ko husgahan na 'yang blog na 'yan. hehe. Let's start... A year from now, when you look back at today, you'll see that the problem you're so concerned with right now, was another valuable lesson waiting to be learned. - galing yan sa mga quotes na pinopost ko sa Shared Success na nanggaling sa friend kong si Eden. Kukuwento ko ngayon iyong career ng kaibigan kong si Rosel na naka-based sa Dubai. Magkaibigan na kami si...

back to bow

The apostles returned... Mk. 6:30 Hello mga kablogs! Kamusta na kayo? Ang tagal na rin bago ulit ako nakabalik. Talagang namiss ko ang paggawa ng blog. Ano? Oo, sa 3 linggong nakaraan iba ang gumagawa ng blog. Nakakatuwa nga rin kasi nadagdagan na tayo ng blogger. Sa palagian niyang pagbabasa ng blogs ko hindi mo na mahahalata na magkaibang tao pala ang nagsusulat. Nag-emote kasi ako kaya nagstop muna akong magblog. Marami akong blogs tungkol sa motivation, worry-free at kung anu-ano pang pagpapatibay sa isang tao pero totoo rin ang kasabihang madaling sabihin mahirap gawin lalo na at kapag ikaw na mismo ang kumakaharap ng pagsubok. Kaya ganoon nga ang nangyari, sabi ko sa kaibigan ko siya na muna ang magblog hanggat hindi ko pa nalalagpasan ang low point na kinakaharap ko ngayon. Tapos sa misa kahapon, umpisa pa lang ng kantang "Sing to the Mountains" gusto ko nang maiyak. Gusto ko nang sabihin sa Kanya na nahihirapan na ako at gusto ko nang malaman agad kung anong plano Ni...

Keep the faith alive

Image
"Do not fear, just believe." Mt. 5:36 "Talitha Kumi!" which means: "Little girl, get up!" Mt. 5:41 Good morning mga kablog. Mamaya pa kami magsisimba ni Kuya dahil may special celebration para kay St. Paul. Hihintayin ko na lang ang comment ng isang blogger para siya na ang mag-input ng paliwanag ng simbahan. Napansin niyo bang tungkol sa faith ang mga pagbasa lately? Hmmmm. Ang galing naman ng cycle ng simbahan at nalaman nilang sa mga panahong ito higit na kailangan ng mga tao ang pag-aaral tungkol sa faith. Sa panahong ito na maraming nag-aalala tungkol sa pagkawala ng trabaho, pag-aadjust sa bagong trabaho at iba't ibang issues na kinakaharap sa buhay. Hangad kong makatulong ang blog na ito para sa mga taong nangangailangan ng matibay na pananampalataya. Iintindhin natin ang pagbasa sa tulong ng experience namin kahapon. Hinanap namin ni Kuya Ryan ang bahay na pupuntahan niya sa St. Georges tuwing Thursday. Nakarating na siya roon kaya ...