comment - Holy Spirit blog
Hello sa iyo ulit pinakamamahal naming author! Hello rin sa iyong mga masusugid na mga tagasubaybay. Para bang telenovela na inaabangan naming tuwing linggo yung blogs mo. Hehehe. Tama ka, sobrang bilis nga ng panahon. Hindi natin namamalayan. At katulad ng topic mo ngayon mahal naming author, hindi rin natin namamalayan na nandyan lang palagi ang Holy Spirit. Nakakatuwa naman yung joke mo. Natawa ako dun ha. Ayk. Hehehe. Maganda rin yung homily ng priest ditto about sa HS. Hindi ko alam kung bakit feeling ko nung mga panahon na umattend ako ng mass, ginusto kong sa unahan umupo. Maaga din ako nakaattend ng mass tapos nakapagrosary pa ako. Hindi ko alam na bago pala magstart ang mass, prinepare na ako ng Holy Spirit para sa isang nakakaantig-pusong misa. Hindi ko alam kung papano ko ieexplain kung bakit ako nagandahan. Katulad ng pagpasok ng HS sa atin, misteryo rin ang pagpapaliwanag. Hindi maintindihan. Kaya nga, sa pamamagitan lang ng pagdedescribe ng pakiramdam pwedeng maipaliwanag...