Nakakalitong Tatlo

Go, therefore, and make disciples from all nation... I am with you always until the end of this world. Mt. 28: 19-20

In hope we wait for the Lord, for he is our help and our shield. Ps. 33:20


Hello mga kablog! Kamusta kayo? Mabuti naman ako. Sunday ng umaga ngayon dito. Pupunta kami mamaya sa Dockyard kaya nagsimba na ako kagabi. Kaya may part sa blog ko na galing sa homily ni Fr. Paul.

Solemnity of the Holy Trinity - Familiar ako sa Kanila pero kahapon ko lang narealize iyong mga natutunan ko na dati pa. Nakakalito kasi diba? Isang Diyos pero tatlo. Si God, Si Jesus at ang Holy Spirit. Sabi ni Padre tatlong words daw ang mairerelate niya sa tatlong Diyos - Creation, Salvation at Inspiration. Inirelate din niya sa mansanas. Ang balat ay ang Diyos for it's obvious beauty - kagandahan ng mundo dahil sa mga creation Niya. Ang puting laman naman na kinakain ay si Jesus na nagkatawang tao para sa kaligtasan natin. At ang buto ay Ang Holy Spirit, maliit pero pinagmumulan ng buhay.

Napakayaman talagang maghomily ni Fr., para siyang si Fr. Luke na sa bawat misa ay palaging may matututunan. Nachallenge ako sa sinabi ni Fr. na dapat daw ay may personal relationship tayo sa tatlo. Para raw iyang isang pamilya pero binubuo ng mga miyembro at siyempre for each members ay mayroon tayong unique relationship. Naku! Eh bihira nga akong manalangin sa HS. Tapos kapag nagdarasal naman ako ay puro kay God nakaaddress pero si Jesus iyong mukha na naiisip ko. Basta ganon. Nakakalito naman kasi Sila pero sisimulan ko ng kilalanin Sila.

Si Carla nagkuwento na naman. Share ko sa inyo. Nalilito... Ayan ang nararamdaman niya simula last week hanggang ngayon. Hindi niya raw alam kung hanggang kailan magtatagal ang pakiramdaman na iyan pero sana gabayan daw siya ng tatlong Diyos. Hmmm. Kung makikita niyo ang resume niya, sa loob ng 4 na taon 4 na companies din ang napagtrabahuhan niya sa Pinas. O diba, wala na siyang ginawa kung hindi maghop hop hop at hop. Kung wala nga lang sigurong contract sa Brunei lumipat na rin daw siya. hehehe. Well puwede dati iyon nong wala pang pasaway na "economic crisis." Siya ang tipo ng empleyado na matagal na ang 2 taon ng pagstay sa isang company. Ang paniniwala niya ay mayroon siyang mission sa bawat company o lugar na napupuntahan niya. Kapag nagawa na niya ang dapat gawin ipupull-out papunta ulit sa bagong mission. Ganyan siya mag-isip pero nong nagkaroon na siya ng obligations, pinili na lang niyang magstay sa present employer niya dahil sa sobrang hirap maghanap ng trabaho. Nalilito siya kung anong plano ni God sa career niya. Kasama pa ba sa choices ang magstay sa present job? (Paano kung isasara na? huhuhu) Mayroon na ba siyang panibagong mission sa ibang company/ibang bansa? (Anong company/bansa iyon eh halos lahat naglalay off. huhuhu) O, kailangan niya na bang bumalik sa Pinas para magturo? (Nasa plano iyon pero hindi pa ngayon. huhuhu) Nakakalito talaga.


Nalilito man si Carla sa nangyayari sa buhay niya pero malinaw sa puso at isipan niya ang mga katagang:


Go, therefore, and make disciples from all nation... I am with you always until the end of this world. Mt. 28: 19-20

In hope we wait for the Lord, for he is our help and our shield. Ps. 33:20


Diyan ako bilib sa kanya e. Ang tingin niya sa isang basong may kalahating laman ng tubig ay half-full at hindi half-empty. Masyado siyang optimistic. Kahit crisis na ang nangyayari, opportunity raw iyon. Iba siguro kapag kasama sa paglalakabay ang Diyos lalo na kapag tatlong Diyos.


Nagrequest si Carla ng panalangin sa lahat ng makakabasa ng blog na ito. Ipagpray daw natin na sana lahat ng actions niya ay nakaayon sa plano ng Diyos.


At dahil magpapasukan na rin, ipanalangin natin ang lahat ng estudyante na sana matupad ang pangarap nilang makapagtapos ng pag-aaral. Maging mas responsable pa sila para magkaroon sila ng magandang buhay pagkatapos ng subsubang pag-aaral. bow.


Kilalanin niyo rin ang tatlong Diyos. Heto ang plan ko baka magustuhan niyo rin. Kapag magpapasalamat ako, si God ang kakausapin ko. Kapag may hihilingin naman kay Hesus ko sasabihin. At kapag nalilito, sa Holy Spirit magsusumamo. bow.


Hanggang sa muli.


God bless us all!


I miss u nay at lahat ng members ng aking family.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?