Posts

Showing posts from July 19, 2009

Nasaan si Potpot?

Background: ininvite ako ng President naming magbigay ng speech for youth night. Parang may mapupulot na mabubuti kaya I opted to post na rin dito sa blog. hope you like it. Young Innocent Child… Nasaan si Potpot? Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako kay Tito at sa ibang PYM sa pagbibigay ng pagkakataon sa aking maging bahagi ng youth night na ito. Salamat. Nasaan si Potpot? Gusto kong palagi niyong iisipin ang sarili niyo at age 7 kapag binabanggit ko ang Potpot. Nasaan ka kaya Potpot sa mga oras na ito dati? Hindi ko alam kung anong oras babasahin ito pero sa tantsa ko ay gabi na. Kunwari alas-9 ng gabi. Siguro ang iba sa atin ay tulog na by that time at ang iba naman ay nanonood pa ng TV. Teka, wala palang masyadong activities sa gabi kaya ilipat natin sa umaga. Nasaan ka kaya nong 7 years old ka simula tanghali hanggang hapon? Anong pinakanaaaalala mong moments when you were at that age. Hmmm. Kahit ako napapaisip sa tanong ko ha. Unang-una kong naalala ay ang pagdidisiplina sa ...

back to bow

The apostles returned... Mk. 6:30 Hello mga kablogs! Kamusta na kayo? Ang tagal na rin bago ulit ako nakabalik. Talagang namiss ko ang paggawa ng blog. Ano? Oo, sa 3 linggong nakaraan iba ang gumagawa ng blog. Nakakatuwa nga rin kasi nadagdagan na tayo ng blogger. Sa palagian niyang pagbabasa ng blogs ko hindi mo na mahahalata na magkaibang tao pala ang nagsusulat. Nag-emote kasi ako kaya nagstop muna akong magblog. Marami akong blogs tungkol sa motivation, worry-free at kung anu-ano pang pagpapatibay sa isang tao pero totoo rin ang kasabihang madaling sabihin mahirap gawin lalo na at kapag ikaw na mismo ang kumakaharap ng pagsubok. Kaya ganoon nga ang nangyari, sabi ko sa kaibigan ko siya na muna ang magblog hanggat hindi ko pa nalalagpasan ang low point na kinakaharap ko ngayon. Tapos sa misa kahapon, umpisa pa lang ng kantang "Sing to the Mountains" gusto ko nang maiyak. Gusto ko nang sabihin sa Kanya na nahihirapan na ako at gusto ko nang malaman agad kung anong plano Ni...

Masayang Pagod

He said to them, "Come away by yourselves to a deserted place and rest a while." People were coming and going in great numbers, and they had no opportunity even to eat. – Mark 6:31 Happy weekend muli sa inyo mga kablogs! Nakakapagod na linggo na naman ang nakalipas. Lahat tayo ay naging abala sa nakaraang linggong lumipas at kung hindi man abala ay syempre may ginawa naman tayo na lahat ay dapat nating ipagpasalamat sa Maykapal. Naranasan nyo na ba na maging masayang pagod? “Luka-luka ka talaga, Day!” ika nga ng mga housemates ko kung tatanungin ko sila ng tanong na yun. Hehehe. Karamihan kasi sa atin, kapag pagod, mainit ang ulo, wala sa mood, walang lakas, gutom, stressed, nalulungkot, o kaya, wala lang, walang pakiramdam. Puro negative feelings, pero lahat ay natural lang na mga nararamdaman ng isang tao. Pero lahat ay may katumbas na reward sa lahat ng nararamdaman nating mga pagod. Dapat lang ay alam natin kung paano ito hahanapin. At kapag nahanap na natin ito, doon nat...