Nasaan si Potpot?

Background: ininvite ako ng President naming magbigay ng speech for youth night. Parang may mapupulot na mabubuti kaya I opted to post na rin dito sa blog. hope you like it.

Young Innocent Child… Nasaan si Potpot?

Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako kay Tito at sa ibang PYM sa pagbibigay ng pagkakataon sa aking maging bahagi ng youth night na ito. Salamat.

Nasaan si Potpot? Gusto kong palagi niyong iisipin ang sarili niyo at age 7 kapag binabanggit ko ang Potpot. Nasaan ka kaya Potpot sa mga oras na ito dati? Hindi ko alam kung anong oras babasahin ito pero sa tantsa ko ay gabi na. Kunwari alas-9 ng gabi. Siguro ang iba sa atin ay tulog na by that time at ang iba naman ay nanonood pa ng TV. Teka, wala palang masyadong activities sa gabi kaya ilipat natin sa umaga. Nasaan ka kaya nong 7 years old ka simula tanghali hanggang hapon? Anong pinakanaaaalala mong moments when you were at that age. Hmmm. Kahit ako napapaisip sa tanong ko ha.

Unang-una kong naalala ay ang pagdidisiplina sa akin ng mga magulang ko. Dapat matutulog kaming magkakapatid tuwing hapon habang ang ibang bata ay malayang naglalaro ng piko, patintero at iba pang laro. Kaya kahit hindi ako inaantok humihiga ako. Naaalala ko pang nagpapanggap akong natutulog. Para lang makapaglaro na agad, guguluhin ko ang buhok ko at magbebedroom voice na akala mo ay talagang natulog. Minsan ay nakakalusot pero naalala ko ring minsan ay nasinturon ako dahil nga ayaw kong matulog.

Ikalawa naman ay ang aming barkadang JAMES. Binubuo ang JAMES ng mga pangalan namin. J for JR, A for Andrew, M for May, E for Eshelle at ako nga si S. Bata pa lang ay may dugong leader na ako kaya ako ang tumayong pinuno ng grupo namin. Kapag may kagalit ako sa isa sa mga alagad ko galit na dapat ng lahat. Kapag may sinabi ako, dapat din nilang sundin.

Ikatlo naman ay ang tungkol sa pag-aaral. 7 years old ako nagsimulang maging inferior. Ibig sabihin ay nanliliit. Pasaway kasi iyong kaklase ko. Inaasar ako kaya sabi ko sa Nanay ko ayaw ko nang mag-aral.

Ikaapat naman ay tungkol sa chess. Sa ganyang edad ako sinimulang turuaan ng Tatay naming maglaro ng chess. Hindi ko pa masyadong naiintindihan non kaya gagawa lang ako ng castle using chess pieces.

At ang huli sa lahat ay tungkol sa simbahan. Bata pa lang ay active na kami ni Memey sa mga gawaing simbahan. Regular kaming umaattend ng Legion of Mary, Fatima at Charismatic. Hinihikayat kaming gumawa ng kabutihan sa Legion of Mary. Sa bawat paggawa raw ng mabuti katumbas ay pako para sa bahay natin sa langit. Natututunan ko namang magrosary sa pagdalo sa Fatima. Nakakatawa naman sa Charismatic kasi gising na gising kami ni Memey kapag joyful songs pero kapag simula na ng worship, nahihiga na kami sa upuan hanggang sa makatulugan na namin.

Ang saya palang balikan si Potpot. Ngayon ay subukan naman nating himayin ang unforgettable moments ko. Uulitin ko ha.

Una ay si Ate Shel ay may mga disiplinadong magulang
Ikalawa ay Ate Shel as leader at her young age
Ikatlo ay si Ate Shel inferior pala dati at ayaw mag-aral
Ikaapat ay tungkol sa chess
Ang huli ay Ate SHel bata pa lang simbahan na ang tambayan

Mahalaga ang impluwensya ng ating mga magulang sa ating paglaki. Nasinturon man ako at napalo nang maraming beses, ipinagpapasalamat ko pa rin iyon dahil lumaki akong disiplinado. Ilan kaya sa atin ngayon ang nagdadabog or sumasagot sa mga magulang natin kapag napapagalitan tayo dati? Sana naririnig din ito ng mga AG kids. Kids at mga kabataan, palagi nating isipin na mahal tayo ng mga magulang natin. Kung napapalo man tayo simbolo lang iyon ng kanilang pagmamahal para sa ikabubuti natin.

Ang ikalawang point ay sa character o talents natin nong mga bata pa tayo. Sabi sa napanood kong movie na “up series” Give me a child of age 7 and I will give you a man. Bigyan mo ako ng batang 7 years old at bibigyan kita ng matanda. Kung mapapansin niyo nadadala natin sa ating pagtanda ang mga ginagawa natin nong mga bata pa tayo. Marahil ay mahilg kang sumayaw sa gitna na mga kamag-anak mo nong bata ka pa tapos ngayon ay isa ka na sa mga Variety show dancers. Siguro ay hilig mo ring kumanta dati at ngayon ay kumakanta ka pa rin. Sa mga nabanggit ko, bakit hindi natin irediscover ang mga talents natin? Siyempre gamitin natin ang mga talents na iyon sa kabutihan.

Ang ikatlo ay tungkol sa “improvement.” Sino ba namang mag-aakalang si Ate Shel ay inferior dati at ayaw mag-aral dati? That is true. May takot pa ako dati at masyadong mahiyain. Hindi rin ako nag-eexcel sa class. Unti-unti kong nabago ang ugaling ito at nag-improve pa ako. Ipinapaalala sa ating lahat na hindi ibig sabihin na wala kang talents wala nang mangyayari sa buhay mo. Isipin mong ikaw ang driver ng buhay mo at nasa iyo na iyon kung paano mo papalaguin. Anu-ano kaya ang dapat iimprove ni Potpot para maging successful Potpot sya someday?

Ang point 4 ay kagaya rin ng point 2 tungkol sa talents. May mga bagay na ginagawa natin dati na hindi ginagawa ng ibang bata. Kaya akala ng iba hindi normal kasi ilan lang ang gumagawa. Not everyone knows how to play chess kahit nga matanda na hindi pa rin nila naaappreciate. Pero kung nasanay tayo simula bata pa lang, madadala hanggang sa pagtanda. Naishare ko ito kasi saksi ako sa kabutihang naidudulot ng larong chess laro na kung may passion ka talaga sa laro kaya gusto ko ring maranasan niyo ang benefits. Ang pinakamaganda kong example ay si Cat2. Nakapag-aral siya sa college dahil sa larong ito. Naging varsity sya ng PUP at may allowance pa sya. Para sa inyong kaalaman, bumuo kami ng set of Chess club officers nong May at nagnananais kaming makapagrecruit pa ng members. Willing kaming magturo para sa gustong sumali at maaari rin pala kayong manghiram ng chess sets sa library.

Ang pinakahuli at pinakamahalaga sa lahat ay ang pagkilala sa Diyos bata pa lang. Nagpapasalamat ako sa Nanay at Ate Nym ko kasi dahil sa kanila namulat ako sa siimbahan kahit na bata pa lang. Hanggang sa pagtanda ay nadala ko rin. Batid kong hindi lahat ng families dito sa Capri ay active sa simbahan. Nakakawa nga ang ibang mga kabataang hindi nagsisimba dahil hindi naman nila kinalakihan at hindi rin nakasanayan. Hindi pa huli ang lahat. Kaya nga narito ang PYM at ibang youth organizations para magtulay sa mga kabataang ito sa simbahan. Nariyan din ang AG, YFC kids, NPC kids para maitanim na sa mga batang ito ang kahalagahan ng pagdarasal. Mga ate at kuya, nasa inyo ang susi para ang mga Potpot natin ngayon ay maging PYM Potpot after few years.


Hangad kong marami kayong natutunan sa mga ibinahagi ko. Ienjoy natin ang buhay gaya ni Potpot sa patalastas pero tandaan din nating sa bawat araw ng ating buhay ay we are creating “Future Potpot.” We are the drivers of our lives. Ang pinagsama-samang sipag, tiyaga at pagdarasal ang ating susi para sa isang Successful na Potpot.

Nasaan ka Potpot noong 7 years old ka? Nasaan ka na ngayon, Potpot? Nasaan ka kaya Potpot after 7 years. The choice is yours.




Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?