Posts

Showing posts from August 16, 2009

Ang Puso Ko'y Nagpupuri…

And Mary said, "My soul magnifies the Lord, and my spirit rejoices in God my Savior. – Luke 1:47 Hello na naman sa inyo mga kablogs! Nakalipas na naman ang isang linggo na punumpuno ng mga paghihirap na nalagpasan, kaligayahan, pagsubok, at kung anu-ano pang pwede maramdaman nating mga kablogs. Pero syempre palaging happy ang ending dapat dahil tayong lahat ay palaging pinagpapala ng Panginoon. Para nga pala sa ating kaalaman, sinecelebrate natin ngayong linggo ang Feast of the Assumption of the Blessed Virgin Mary. Ito yung time na ginugunita natin ang pag-akyat ni Mama Mary sa langit. Si Mama Mary, ang butihing Ina nating lahat. Meron isang kaibigang nagshare sa akin. Sabi nya sa akin, palagi-lagi nyang pinagdarasal na sana maging katulad sya ni Mama Mary kahit papaano. Maraming beses na raw noon na gumaganap sya bilang Maria. Nang magsimba raw sya ngayon, natutunan nya na ang pag-akyat ni Mama Mary sa langit ay hindi soul lang nito ang umakyat. Kundi pati ang katawan ni Mama Ma...

Instant blog ulit...

"I am the living bread which has come from heaven; whoever eats of this bread will live forever. The bread I shall give is my flesh and I will give it for the life of the world." Jn. 6:51 Hello mga kablog. Medyo another quick blog 'to from me. Mayroon kasi tayong contributor kaya lang kinapos sa oras kaya bukas niya raw ipopost. Dahil nag-aassume ako na weekly kayong nagbabasa ng post ko ayaw ko kayong biguin kaya kahit pahapyaw magbabahagi ako. Ewan ko ba pero parang lumilipad ang isip ko sa mass kahapon. Kahit na ganoon nagregister naman iyong homily ni Father tungkol sa simbahang naguhuan ng mga bato. Mayroon daw image roon na The Resurrection of Jesus. Imagine that image na nakalahad ang mga kamay pero dahil nga nahulugan ng bata naputol ang kamay.... Parang Jesus is telling that MY HANDS ARE YOURS.... Bawat isa raw sa atin ay instrument ni God para sa iba pa Niyang likha. Kunwari ako, I'm not noticing pero ginagamit na Niya pala ako para maging represen...