pahabol - light
Hello ulit PYM! Narealize ko lang kanina habang nakafeel ako ng guilt na hindi ko nayaya iyong kaibigan ko sa misa - it's not enough na nagsisilbi tayo sa Panginoon. Nagsisimba nga ako at nakakatugon sa lahat ng panawagan ng Diyos kung hindi ko naman naipapasa sa iba, balewala rin.Tama na sa umpisa sarili muna natin ang pagyamanin natin pero kapag nakafeel na tayo na puwede na tayong manghikayat simulan na natin sa mga kapamilya natin at sunod naman sa ibang kapuwa. Mas matutuwa si God kung naibabahagi mo sa ibang tao ang mabuting balita. Nairelate ko naman sa homily ni Fr. kanina tungkol sa light. Ang main message niya ay para maibahagi natin ang light dapat kakitaan muna tayo ng liwanag. Halimbawa, tayong mga PYM, paano natin mahihikayat ang mga kasama natin sa bahay sa mga gawaing simbahan kung hindi nila nakikita sa atin ang "isang mabuting lingkod?" Paano mo sasabihin na Nanay mo na magsimba kayo kung katatapos mo lang awayin ang kapatid mo? Maliban pa ron ay nagmumu...