comment - Bente Kuwatro Oras - Pahingi Ng Isang Oras


Mahal na mahal naming author! Hello muli sa iyo at sa mga readers mo na alam ko na nahihiya lang magcomment. Heheley. Isang inspirational blog na naman itong blog mo kaya gusto ko na namang magbahagi. Hehehe.
Tama ka nga mahal, naming author. Sobrang bilis ng panahon. Malapit na naman ang Holy Week. Nung nakaraang Holy Week lang, sobrang busy ang lahat ng PYM sa play na pinilit talaga naming mapaganda syempre bilang sakripisyo namin para kay God. Naalala ko pa, umarte din ako noon. Nakakamiss talaga. Haaaay. Pero syempre, hindi lang naman porkit malayo ako, hindi ko na pwedeng maicelebrate ang Lent. Palagi pa rin akong nagsisimba ditto kahit na mag-isa lang ako. Meron ding Stations of the Cross ditto. Medyo kaiba nga lang dahil sa loob lang ng simbahan kung saan mayroong mga images ng bawat station. Kaya kahit na kakaiba, syempre hindi pa rin ako makakalimot na magsimba. Ganun talaga kapag nalaman na natin ang kahalagahan ng pagsisimba. Tama ka author naming mahal na ang pakiramdam ay hindi kumpleto ang week kapag hindi nakapagbigay ng pasasalamat sa Kanya.
Mayroon akong ikukuwento. Meron daw isang nanay na sobrang mahilig magshopping ng mga damit. Halos talagang napupuno nya yung buong bahay na wala nang space para gawing venue for family gathering. Bihira na lamang magpunta ang kanyang mga anak at ang kanyang mga apo dahil nga walang lugar para sa mga ito. Minsan syang nalungkot at naitanong kung bakit daw hindi na dumadalaw sa kanya ang kanyang mga anak. Ang sabi sa kanya, paano raw sila makakapunta kung wala na silang tamang lugar dahil sa sobrang dami ng mga damit. Ni hindi man lang nga raw makapaglaro ang mga bata sa bahay na iyon. Narealize nya na sa sobrang hilig nya sa pagshoshopping, nawalan na sya ng pagkakataon makapiling ang mahal nya sa buhay. Kaya naman nagdecide sya na idonate yung mga damit nya sa iba. At pagkatapos noon ay talaga namang sobrang lumuwag na ang kanilang bahay at naging tahanan na.
Minsan, masyado tayong punum-puno ng kung anu-anong mga bagay sa mga puso at isip natin, to the point na nawawalan na tayo ng panahon at pagkakataon na kausapin si God. Minsan, sa sobrang galit sa puso natin, wala na tayong space para papasukin Sya. Nawawalan na tayo ng panahon sa pagsisimba. Kaya sa halip na gumaan ang pakiramdam natin, lalo itong bumibigat. Kaya ngayong panahon ng kwaresma, ayon sa pinoy parish priest ditto na si Fr. Zakki at ng ating pinakamamahal na author, (kaya natuwa ako lalo dahil parehong pareho yung naunang pagpapalalim ng author nating mahal at ni Fr. Zakki) linisin natin ang ating mga puso mula sa kung anumang mga hindi magagandang nararamdaman natin na sumasagabal sa atin sa pakikipag-ugnayan kay God. Ika nga ng author nating mahal, ivacuum natin lahat ng dumi sa ating mga puso, para makapasok sa atin si God sa pamamagitan ng ating mga kapwa.
Bowowow.
Mahal naming author, maging malusog ka palagi para sa amin ng mga masusugid mong mga readers at bloggers. Wag kang magsasawang gumawa ng iyong mga magagandang mga blogs ha.
God bless us all always. J

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?