Posts

Showing posts with the label comment

God Is Bigger Than Tsunami

“Those who are healthy do not need a physician, but the sick do.” – Luke 5:31 Hello sa inyo mga kablogs at sa ating pinakamamahal na author! It’s been a long time mula nang huli akong magblog. Matagal-tagal na rin. Pero hindi ba nga, may perfect timing palagi para sa lahat ng bagay. Kahit na alam kong hindi “perfect” ang timing ngayon sa mundo dahil sa sakunang nangyari sa Japan. Alam ko at naniniwala pa rin ako na may dahilan palagi si God sa mga bagay na nangyayari sa atin. Kung bakit “God Is Bigger Than Tsunami” ang title ng blog ko ngayon dahil ito ang naging inspirasyon ko ngayon para ganahang magblog. Sobrang natuwa kasi ako nang nagtext sa akin ang pinakamamahal kong kapatid, “ate gudmorning po! Aga q ngcng, aq tgabntay ng tndhan ngaun eh. Haha aalix dn po kc cla mamu pupnta xa araneta my gathering po ung cfc. :) kme poh ni kat kat ang bantay. Haha ate . Kmxta k poh jan? Blta q poh my xkt k ah? Wg k mxdong pkpgod ate. Auz lng po kme d2.. Mgdasal lng po tau. Our God is bigger th...

comment - Keep the feet alive

Hello na namang muli sa iyo pinakamamahal naming author! Hello rin sa lahat ng iyong mga masusugid na mga ka-blogs! Namiss ko yung mass nung nakaraang linggo dahil sa sobrang kabusyhan. Pero pinagpray ko pa rin kay God na gabayan pa rin Nya ako sa week na iyon kaya ang faith ko na gagabayan Nya ako ang syang naging daan para maging maayos ang linggong nagdaan. Sa tulong na rin syempre ng maganda at nakakainspire na blog ng pinakamamahal nating author. Nakakainspire naman yung paghahanap nyo ng bahay mahal naming author. Para bang treasure hunting. Bawat daraanan, may kailangang matutunan. May mga balakid na kailangang harapin, pero ang ending syempre matatagpuan pa rin ang treasure. Kapag nanalig tayo na matatagpuan natin yung bagay na gusto nating marating, makakarating tayo doon sa tulong ng paggabay ng Panginoon. Minsan nga lang, nahuhuli tayo, o pwede rin na nauuna. Pero ang mahalaga ay nalaman natin yung mga pagsubok at napagdaanan iyon, gaano man natin katagal nalagpasan iyon. Na...

comment - kkk

Hello na naman muli sa iyo pinakamamahal naming author! Hello rin sa iba mo pang mga kablogs. Alam ko kung gaano mo pinaghirapan tong blog mong ito. 1 hour per K. Pero alam ko rin na kahit pinaghirapan mo ito, hindi ka pa rin nahirapan. Dahil tinatatype mo lang naman ang gustong sabihin ng puso mo e. Yun nga lang, nagutom ka. Ayk. Hehehe. Isang maligayang pagdiriwang ng Katawan at Dugo ni Kristo sa ating lahat! Masaya ako na naging active ako sa simbahan thru Parish Youth Ministry. Bakit ko naman biglang nasabi ito? Kasi, kung hindi ako naging active sa simbahan, isa lang akong normal na parishioner, na magsisimba tuwing linggo, tapos ang alam lang na celebration ng simbahan, ay Pasko, Holy Week, Easter, Fiesta (minsan nga hindi alam na may fiesta dahil sa patron saint), at birthday ni Mama Mary (konti lang din ang nagsicelebrate). At dahil nga naging active ako, naging aware ako sa iba pang mahahalagang celebration ng simbahan na hindi alam ng ilan. Solemnity of the Body and Blood of ...

comment - Holy Spirit blog

Hello sa iyo ulit pinakamamahal naming author! Hello rin sa iyong mga masusugid na mga tagasubaybay. Para bang telenovela na inaabangan naming tuwing linggo yung blogs mo. Hehehe. Tama ka, sobrang bilis nga ng panahon. Hindi natin namamalayan. At katulad ng topic mo ngayon mahal naming author, hindi rin natin namamalayan na nandyan lang palagi ang Holy Spirit. Nakakatuwa naman yung joke mo. Natawa ako dun ha. Ayk. Hehehe. Maganda rin yung homily ng priest ditto about sa HS. Hindi ko alam kung bakit feeling ko nung mga panahon na umattend ako ng mass, ginusto kong sa unahan umupo. Maaga din ako nakaattend ng mass tapos nakapagrosary pa ako. Hindi ko alam na bago pala magstart ang mass, prinepare na ako ng Holy Spirit para sa isang nakakaantig-pusong misa. Hindi ko alam kung papano ko ieexplain kung bakit ako nagandahan. Katulad ng pagpasok ng HS sa atin, misteryo rin ang pagpapaliwanag. Hindi maintindihan. Kaya nga, sa pamamagitan lang ng pagdedescribe ng pakiramdam pwedeng maipaliwanag...

Low point ulit comment

Two thumbs up! :-) ayos sa comment ha. makatulong sipon. ayk Hello muli sa iyo pinakamamahal naming napakagaling na author! Namiss ka talaga namin nang husto author naming mahal. Sobrang iba kasi talaga kapag nakakagawa ka ng mga blogs. Nakakainspire kasi lahat. Pero masaya rin kami dahil nakapagbakasyon ka nang masaya at nakapiling mo ang mga mahal mo sa buhay. Sabi mo nga, kelangan nating magpark minsan at magpagasolina. Kaya para sa yo at sa iba pang mga OFWs dyan, ang pamilya natin at mahal sa buhay ang syang nagsisilbi sa ating gasolina. Kahit na sobrang mahal ng halaga ng gasolinang ito, sulit na sulit naman at sobra pa para sa maayos at matiwasay na paglalakbay sa buhay. Alam mo mahal naming author, meron din akong kaibigan na galing lang sa bakasyon. Ang pangalan nya ay Cindy. Nakapagbakasyon na rin sya last November pero ginusto pa ulit nyang magbakasyon nitong April kahit na 5 months pa lang ulit sya sa ibang bansa. Syempre dahil 5 months lang, hindi sya masyadong nakapag-ipo...

comment - Monday of the Second Week in Lent

Alam mo author naming mahal, nararanasan ko yan ditto sa bahay na tinitirhan ko. Meron kasi dittong isang housemate na para sa lahat, feeling ay may-ari ng bahay. Medyo hindi maganda yung ugali nya kaya marami ang may ayaw sa kanya. Hindi ko yun alam dati. Hanggang sa mayroong time na naliligo ako tapos kinatok nya ako. Sabi nya kung matagal pa daw ako. Nagmadali tuloy ako. Ayk. Nalaman ko na lamang sa roommate ko na sinabi daw nun na sino daw ba ako at ang tagal-tagal maligo. Hindi ko daw ba alam na time nya yun para maligo? Heheley. Hindi ko naman talaga alam. At wala namang timings sa paliligo. At mabilis ako maligo. Heheley. Medyo nalungkot ako, hindi dahil sa ginawa nya yun. Kundi dahil maraming ayaw sa kanya. Medyo nalayo din tuloy ang loob ko sa kanya dahil sa nangyari. Hindi dahil sa nagtanim ako ng galit kundi ayoko na lang na may magawa akong ayaw nya. Nakakalungkot kasi although hindi talaga okay yung ugali nya hindi pa rin di ba dapat na pag-usapan sya palagi? Kasi lahat na...

comment - Bente Kuwatro Oras - Pahingi Ng Isang Oras

Mahal na mahal naming author! Hello muli sa iyo at sa mga readers mo na alam ko na nahihiya lang magcomment. Heheley. Isang inspirational blog na naman itong blog mo kaya gusto ko na namang magbahagi. Hehehe. Tama ka nga mahal, naming author. Sobrang bilis ng panahon. Malapit na naman ang Holy Week. Nung nakaraang Holy Week lang, sobrang busy ang lahat ng PYM sa play na pinilit talaga naming mapaganda syempre bilang sakripisyo namin para kay God. Naalala ko pa, umarte din ako noon. Nakakamiss talaga. Haaaay. Pero syempre, hindi lang naman porkit malayo ako, hindi ko na pwedeng maicelebrate ang Lent. Palagi pa rin akong nagsisimba ditto kahit na mag-isa lang ako. Meron ding Stations of the Cross ditto. Medyo kaiba nga lang dahil sa loob lang ng simbahan kung saan mayroong mga images ng bawat station. Kaya kahit na kakaiba, syempre hindi pa rin ako makakalimot na magsimba. Ganun talaga kapag nalaman na natin ang kahalagahan ng pagsisimba. Tama ka author naming mahal na ang pakiramdam ay ...

comment - bonus for this week

Hello sa iyo author naming mahal na mahal! Binabati ko nga rin pala ang mga bloggers mo at masusugid na mga readers. Natutuwa ako sa blog mong ito. Naalala ko kasi kaming magkakapatid. Namiss ko tuloy sila kahit na away-bati rin kami. Heheley. Ipapakilala ko naman ang mga mababait at mapagmahal kong mga kapatid – sina CW, N, at CJ. Mahal na mahal ko silang lahat. Medyo kaiba yung mga away-bati style namin. Mga batang-isip kasi kaming lahat. Hehehe. Kaya walang matanda, walang bata. Nung mga bata pa kami, hindi kami nagtatanim (hanggang ngayon naman) ng sama ng loob. Kasi, physical naming inilalabas ang away namin. Wrestling. Hehehe. Hindi naman kasi malalayo yung agwat ng edad namin ng mga kapatid kong bros. Naghahampasan kami ng unan dati. Naalala ko, nung naghahampasan kami ng unan nung bata pa kami, paghampas ng unan, nadali yung fluorescent lamp, nabasag. Hehehe. Ginulpi lang naman kami ng tabo. Nakakatuwang-balik-balikan. Namiss ko tuloy maging bata, na hindi marunong magtanim ng ...

comment - Monday of the Second Week in Lent

cielah, gusto ko to. eto na cguro ang pinaka thankful ako na pina realize sa akin noon ng kaibigan kong weird. ang wag mag judge ng ibang tao at wag nanggagatong kht magmukha ka pang plastic. pero minsan nasasali p rn ako pag mau usapan pero madalas eh "ah gnon ba"ang comment ko. by blogger reaction ko: Mhirap tlgng umiwas sa ganun. pero napansin ko rin na kapag pinaparamdam mong gusto mo iyong mga negative na usapan, patuloy nilang ipapasok iyon. Kapag sa simula naman, iminumulat mo na sa kanila na you don't entertain those kind of chat, magaganda ang mga topics niyo. Napansin ko iyan sa pakikihalubilo ko though hindi ko talga maiwasang makarinig at mapangiti. Isa pa, pansinin mo rin. kunwari 5 kayong magkakaibigan, A, B, C, D at E. Kapag wala si A, siya ang pag-uusapan. Kapag wala si B, siya naman ang topic.... Heto pa, mag-ingat ka sa mga taong nagsasabi ng negative sa kapuwa mo at itstsimis sa iyo. Kung nagagawa niya sa iba, palagay mo kaya hindi niya kayang...

comment - Tuesday of the First week of Lent

Grabe. Masayang masaya talaga ako para sa isa dyan na kailangang manlibre paguwi namin. Hehehe. Sobranga masaya talaga ako para sa kanya. Isa ako sa mga nakakabatid ng lahat ng mga pinagdaanan nya kaya talagang maligaya ako sa start ng pagbibigay ni God ng mga blessings para sa kanya. Bokie, paguwi namin ha. Hindi pwedeng hindi. Hehehe. Miss na miss na kita bokie. Lab u lab u. Mwah

comment - Tuesday of the Second Week in Lent

Alam mo mahal naming author, naisip ko, hindi rin ganon magiging kadali para sa iba na mahina ang faith na hindi tumingin sa taong naghahatid ng mabuting balita. Madalas kasi, sa mga taong nagsisimula pa lamang na palalimin ang kanilang faith, ang unang nakakapaghikayat sa kanila ay ang taong nagdadala ng mabuting balita. halimbawa, yung mga kaibigan natin na hindi pa malalim ang faith, madalas, tayong mga kakilala nila ang nakakapaghikayat sa kanila. at tumitingin muna sila sa kung sino ang tagapagdala at hindi muna sa mabuting balita. naalala ko kasi nung nagaaral pa ako sa college. meron sa may blumentritt na mamang matanda na marungis na nagsasabi tungkol sa bible. pero wala namang naniniwala sa kanya kahit na narealize ko na may kahulugan yung mga sinasabi nya. pero kahit ano pa man ang naging simula para maging close tayo kay God, dapat na pagdating ng panahon, magkaroon na tayo ng personal na pananampalataya sa Kanya, at hindi lang dahil naimpluwensyahan tayo ng mga kaibigan nat...

comment - Wednesday of the Second Week in Lent

Mahal naming author, okay lang naman na maging positive tayo palagi sa lahat ng mga laban natin. Okay lang na iniisip natin na mananalo tayo. Pwede rin kasi itong maging inspirasyon para sa sarili natin. Yung pagkatalo naman, normal lang na bagay sa mundo. Lesson para matuto. Naalala ko dati yung mahal kong master. Akala nya rin daw dati nung pumayag sya sa hamon ko sa chess na bata lang ako kaya pinagbigyan nya ako. Eh ayun, natalo ko sya by the will of God, kaya masayang masaya ako. Hindi dahil natalo ko sya, kundi nagkaroon sya ng interes na makilala pa ako nang lubusan. Hehehe. Ang hindi lang naman talaga maganda ay yung tinataas natin ang mga sarili natin to the point na may natatapakan na tayong mga tao. Para sa akin, hindi ka naman ganoon. Kasi, hindi mo naman sya natapakan. Palagi ka pa ring panalo para sa aming lahat mahal naming author

comment - Wednesday of the Second Week in Lent

Mahal naming author, okay lang naman na maging positive tayo palagi sa lahat ng mga laban natin. Okay lang na iniisip natin na mananalo tayo. Pwede rin kasi itong maging inspirasyon para sa sarili natin. Yung pagkatalo naman, normal lang na bagay sa mundo. Lesson para matuto. Naalala ko dati yung mahal kong master. Akala nya rin daw dati nung pumayag sya sa hamon ko sa chess na bata lang ako kaya pinagbigyan nya ako. Eh ayun, natalo ko sya by the will of God, kaya masayang masaya ako. Hindi dahil natalo ko sya, kundi nagkaroon sya ng interes na makilala pa ako nang lubusan. Hehehe. Ang hindi lang naman talaga maganda ay yung tinataas natin ang mga sarili natin to the point na may natatapakan na tayong mga tao. Para sa akin, hindi ka naman ganoon. Kasi, hindi mo naman sya natapakan. Palagi ka pa ring panalo para sa aming lahat mahal naming author

Comment - Careers nina Sarah, Gracia at Roy

if GOD is for you who will be against us.. ung nabasa ko ung kay gracia naisip ko na, ako tinanggihan ko ang isang opportunity na bumalik sa greenwich dahil sa hirap ng trabaho at mabababng sahod, but before dat i recommend my decision to GOD and he said tama daw un. at nde namn ako nagkamali kace masmaliki ang naging kapalit un which is ung pag-aaral ko na hanggang ngaun ay chinicherish ko parin. cguro nde na para skin ung work naun kaya nde na niya binigay skin. kaya lagi nyong pakinggan ang tinig ni GOD and you will found out kung ano ang dapat nyong gawin."if GOD is for you who will be against us"

comment - careers nina S,G,R

pasado. by shel. hehehe :-) Hello sa iyo pinakamamahal naming author na magaling na magaling! Hello din syempre sa iyong mga kabloggers at masusugid na mga readers. Kakaiba na naman nga yung style ng blog mo ngayon mahal naming author ha. Ang galing-galing mo talaga sa pagpapalalim ng salita ni God at sa lahat ng mabubuting bagay author naming mahal. Kaya naniniwala ako na pagpapalain talaga ni God yung mga kaibigan mong sina Sarah, Gracia at Roy. Heheley. At dahil kakaiba na naman ang blog mo, try ko ding ibahin ang comment ko. Ayk. Sana nga magawa ko. Heheley. If a problem can be solved, no need to worry about it. If a problem cannot be solved, then what’s the use of worrying? If God is for us who can be against us? Ito ang ilan lang sa mga pwede nating isipin kung bakit hindi tayo dapat mag-alala. Itong part na ito ay gusto kong ipatungkol kay Sarah. Si Sarah, masyado syang maraming iniisip na mga worries, sa mga nangyayari, nangyari at mangyayari. Dapat ay ialay lang nya lahat kay...

Comment - Ash Wednesday

Thanks sa comment na ito. Mas lalong lumalim ang pagkakaintindi ko sa Ash Wednesday. Tama ka nga kasi dati sa Pinas, busy kami sa pagpapractice ng play kaya minsan hindi na kami nakakaattend sa mas importanteng activities gaya ng pagsisimba. Salamat ulit. - Shiela bowowow's comment: Hello mahal na mahal naming author! Hello rin sa iyong mga avid readers! Lenten season na. This is the time for conversion. Minsan tayong napalayo kay God, at ito ang magandang pagkakataon para magbalik-loob sa Kanya. Ash Wednesday – February 25, 2009 First time ko na magcelebrate ng Ash Wednesday at Lenten season ditto sa malayong pook. Naiisip ko pa lang kung paano ako kaactive dati palagi kapag Holy Week kasama ng mahal kong group, nalulungkot na ako. Pero naisip ko, sa sobrang pagkabusy namin dati sa parish activities, ngayong Ash Wednesday ko lamang nalaman ang totoong kahulugan ng Ash Wednesday. Kahit na napalayo ako, binigyan naman ako ng pagkakataon ni God para malaman kung ano ba talaga ang kah...