comment - Tuesday of the Second Week in Lent
Alam mo mahal naming author, naisip ko, hindi rin ganon magiging kadali para sa iba na mahina ang faith na hindi tumingin sa taong naghahatid ng mabuting balita. Madalas kasi, sa mga taong nagsisimula pa lamang na palalimin ang kanilang faith, ang unang nakakapaghikayat sa kanila ay ang taong nagdadala ng mabuting balita. halimbawa, yung mga kaibigan natin na hindi pa malalim ang faith, madalas, tayong mga kakilala nila ang nakakapaghikayat sa kanila. at tumitingin muna sila sa kung sino ang tagapagdala at hindi muna sa mabuting balita. naalala ko kasi nung nagaaral pa ako sa college. meron sa may blumentritt na mamang matanda na marungis na nagsasabi tungkol sa bible. pero wala namang naniniwala sa kanya kahit na narealize ko na may kahulugan yung mga sinasabi nya. pero kahit ano pa man ang naging simula para maging close tayo kay God, dapat na pagdating ng panahon, magkaroon na tayo ng personal na pananampalataya sa Kanya, at hindi lang dahil naimpluwensyahan tayo ng mga kaibigan natin o kahit sinong tagapagpahayag.
Comments