magSimula na Tayo
“But it shall not be so among you. Rather, whoever wishes to be great among you will be your servant; whoever wishes to be first among you will be the slave of all. For the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his life as ransom for many.” – Mark 11:43-45
Salamat sa sharer. Mabuti na lang at muli kang nagbalik. Dumaraan sa low point ang batang ito kaya nawala sya. Dahil malalagpasan nyang muli ang low point nya, back to sharing na ulit. Kamusta kayo? Ako heto, irritated sa rashes na hindi ko alam kung saan ko na naman nakuha. Bukod pa diyan ay puro cuts ang mga daliri ko, dagdagan pa ng masakit na bangag paggising kaninang umaga. Worst pa ay ang paycheck na sobrang baba kumpara sa dati kong kinikita. Bumaba ang net pay pero pareho pa rin ang expenses. Haaay. Help me Lord.
Ilang ulit kong kinuwenta ang expenses ko sa kikitain ko at talaga nga namang nakakapanlumo. Iniisip kong bawasan lahat ng 20% ang lahat ng budget pero hindi ko magawa kaya Bahala na si Lord....
Habang namamalantsa kanina pinanood ko ang buhay ni Mother Theresa. Doon ko nakita ang mga taong dying dahil sa mga sugat nila. Heto akong problemado sa mga rashes ko samantalang mayroon palang ibang tao na may mas malalala pang sugat kaysa sa akin. Iniinda ko ang sakit ng mga hiwa sa daliri ko samantalang may mga taong nasaksak at kailangang operahan. Nawawalan ako ng pag-asa sa katuparan ng pangarap ko dahil sa bumabang salary ko samantalang nagawa ni Mother Theresa na makatulong sa mahihirap kahit na walang syang regular salary. Kapag may mga nararamdaman tayo, naisip kong effective na tignan natin ang ibang taong mas dumaranas ng mabigat kaysa sa atin. By doing that, magpapasalamat pa tayo kasi katiting lang ang dinaranas natin kumpara sa dinaranas nila.
Sa kabilang banda, dapat ding tignan natin ang ating mga kapwang nangangailangan ng ambon sa mga blessings na natatamasa natin. Salamat sa sahod ko! Kahit katiting malaki na rin. Kahit na ano pang pagsubok ang pagdaanan ko, stick pa rin ako sa ST - Serbisyong Totoo...
Muli akong kumakatok sa inyong lahat lalo na sa mga kaibigan ko at sa mga nagbabasa ng blogs ko. Gaya ng sinabi ko dati sisimulan ang 4s sa SY 2010. Kahit sa June 2010 pa ang official na kickoff, naghahanap na kami ng mga sponsors para naman ma-boost ang confidence namin kapag ngayon pa lang ay marami ng susuporta. Ang original na idea ay magbebenta ng pencil na may tatak na Share a Secret, Spread Success. Naisip kong puwede ring sticker para kapag naipost ng mga bumili, makikita ng ibang tao at unti-unting kumalat.
FAQ re 4S:
Ano ang 4s? Share a Secret, Spread Success Scholarship Foundation.
Paano ako makakasuporta? Simple lang, ang worth ng isang pencil o sticker ay Php50.00.
Para saan ang malilikom na funds? Ang malilikom na funds ay ipangsusuporta sa mga bata at kabataang nag-aaral sa pamamagitan ng school supplies o allowance depende sa availability ng funds.
Bakit hindi na lang ibili ng pagkain para sa mga nagugutom? Scholarship Foundation talaga ang goal ko kasi naniniwala ako na ang mga magiging beneficiaries nito ay mahahawaan ng "pusong 4S" at kapag nakapagtapos na sila ng pag-aaral mas marami ng matutulungan either mass feeding or sa scholarship din.
Required ba ang 4s beneficiaries na sumali sa 4s kapag nakapagtapos sila? Big NO. Depende sa kanila iyon. Nasabi ko lang sa previous FAQ kasi may mga kabataan sa amin na gustong tumulong sa foundation. Ngayon pa lang nahahawaan na sila ng "pusong 4s."
Bakit ka ba ganyan Shel? Ewan ko. hehehe. Gusto kong iquote iyong sinabi ni Mother Theresa "I am only a pencil in the hands of God... He writes."
Ok lang bang magdonate ng Php50.00? Hindi ba nakakahiya? Sa laki ng layunin mo parang katiting ang Php50.00? Malaking tulong na ang Php50.00. Kahit nga hindi financial e, kahit moral support at prayers maaappreciate na namin iyon... another quote ulit.
"Everything we do is just a drop in the ocean but if we don't do it the drop will be missing forever."
Jcpot, kapag may time ka baka puwede kang magdesign ng sticker... Gagawa rin ako tapos icompare natin. Busy si Gaudi sa kanyang new adventure kaya nabawasan tayo ng Pinas Team. Memey, Bok, Tito J, Hilda, M, kapag nagkadesign na hanap kayo ng puwede nating pagprintan na makakatipid tayo. Jado, anong palagay mo? K, kung may time ka pa isingit mo na mga puwede mong iwanan sa kanila.
Serbisyong Totoo. MagSimula na Tayo.
Bow.
Comments